^

PSN Showbiz

Medical License tuluyan nang tinanggal ng Court of Appeals kay Hayden Kho

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Mahigit pitong daan ang nag-follow sa Twitter account ni Benjamin Alves nang mag-guest ito sa segment ng Tweet X ng Startalk nung nakaraang Sabado.

Marami ang na-curious sa kanya nang napabalitang pamangkin ito ni Piolo Pascual.

Pero ayaw na niya sanang gamitin pa sa publicity niya ang tungkol kay Piolo dahil nahihiya na raw siya sa aktor.

Nag-usap naman daw sila nung bago ito pumasok sa showbiz at okay lang naman daw kay Piolo pero ayaw naman niyang iyun na lang lagi ang pag-usapan tungkol sa kanya.

Nagsimula na rin naman si Benjamin sa pelikulang gagawin niya sa Regal Films na   kasama si Lovi Poe, at malapit na rin naman siyang bigyan ng programa sa GMA 7.

PAK: Itinatanggi ni Martin Escudero na siya ang tinutukoy na Starstruck winner na nakarelasyon ng isang transgender na nagpa-audition sa Protégé: The Biggest Artista Break.

Si Jerrich Divinagracia itong transgender na nag-audition sa Protégé at lumabas sa Showbiz Central nung nakaraang Linggo.

Ni-reveal nitong nakarelasyon daw niya ang isang hunk na galing sa Survivor Philippines na si Jace Flores, isang PBA player at itong si Martin nga raw. Lahat daw sila ay walang alam na dati pala siyang lalaki.

Ayon kay Martin, naalala niyang may kakilala siyang si Jerrich pero hindi raw niya ito nakarelasyon. “Konti lang naman ang nakarelasyon ko, at siyempre kilalang-kilala ko sila. Hindi siya kasali run,” deretsong pahayag ng young actor.

BOOM: Pinagtibay ng Court of Appeals ang revocation ng medical license ni Hayden Kho kaya tuluyan nang naglaho ang pag-asa nitong maibalik pa ang kanyang lisensiya sa pagka-doktor.

Ayaw pa ni Hayden na magbigay ng statement kaugnay dito, at bahala na raw ang abogado niyang si Atty. Lorna Kapunan ang magsalita.

Inamin naman ni Dra. Vicki Belo na magkaibigan pa rin sila ni Hayden at nagtatrabaho pa rin ito sa kanyang Belo Medical Group, pero malabo na raw talagang magkabalikan sila. Pero si Dra. Belo ang isa sa unang nalungkot sa tuluyang pagkawala ng lisensiya ni Hayden bilang doktor.

vuukle comment

BELO MEDICAL GROUP

BENJAMIN ALVES

BIGGEST ARTISTA BREAK

COURT OF APPEALS

DRA

HAYDEN

HAYDEN KHO

JACE FLORES

JERRICH DIVINAGRACIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with