^

PSN Showbiz

24/SG ni Sarah may repeat agad-agad sa July 21!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

MANILA, Philippines - May repeat na agad-agad ang gaganaping concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum sa July 7 – 24/SG. Yup, due to insistent public demand, may repeat na raw agad sa July 21 ang 24/SG, same time, same venue. “Masyadong maraming naghahanap ng tickets,” sabi ng isang Viva Concerts insider na producer ng concert ng pop princess.

Kaya naman tuwang-tuwa si Sarah at lubos ang pasasalamat sa mga taong naghihintay na sa kanyang birthday blowout concert sa Araneta para sa taong ito.

Last year ay hindi siya nag-solo concert bilang nagkaroon sila ng Valentine concert ng concert king na si Martin Nievera sa Araneta. Kaya ayon kay Sarah, itotodo na niya sa concert na ito.

KC at JULEs hanggang friends lang talaga

Malabo na ngang mauwi sa relasyon sina KC Concepcion and Jules Knight ng grupong Blake nang mag-tweet si Jules na hindi naman siya priority ni KC na sinagot naman ni KC ng “I’ve enjoyed getting to know him in the last few months, and realised that a close friendship is the best I can offer right now. u all.”

Nauna nang nag-tweet si Jules ng : “I think Miss KC would be too busy working to see me. As you’ve seen in recent interviews, KC has other priorities in life.”

Naging friends ang dalawa nang dumating sa bansa ang grupo. Nagkataon naman noong nakaka-break lang ni KC kay Piolo Pascual kaya obviously pinanindigan niyang ayaw muna niyang makipag-relasyon.

Actress kailangang magpa-Belo

Lumabas na mas maganda pa sa actress ang ka-partner niyang actor sa ginawa nilang pelikula kamakailan. Nakita tuloy kung ano ang kailangang ipaayos ng actress sa kanyang face para sa susunod niyang pelikula, mas maging bongga ang appearance niya sa screen.

Napuna ng mga nakapanood na isa sa mga dapat ipagawa agad ng actress ang kanyang ipin na hindi pantay at kitang-kita ang kachakahan. Maging ang chin niya at ilang part ng katawan.

Siguro mag-Belo Clinic lang daw siya, malamang mas gaganda siya sa susunod niyang pelikula kung saka-sakali.z

vuukle comment

ARANETA

ARANETA COLISEUM

BELO CLINIC

CONCERT

JULES

JULES KNIGHT

KAYA

MARTIN NIEVERA

PIOLO PASCUAL

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with