^

PSN Showbiz

Pauleen 'idineklara' na ang pagmamahal kay Vic

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Pagkatapos ng My Binondo Girl ay guesting na lang muna ang sunod na ginawa ni Jolo Revilla sa ABS-CBN.

May special role si Jolo sa Little Champ na hindi pa naipapalabas ng ABS-CBN at wala pang binigay na malaking project sa kanya.

Mas naka-focus kasi siya ngayon sa kanyang political career dahil kumpirmadong tatakbo nga siyang vice governor ng Cavite.

 Nakausap namin ang ilang mga kilalang pulitiko sa Cavite gaya nina board member Dino Chua at dating Cavite City Mayor Totie Paredes, nakikita nila kay Jolo ang potential na maging isang magaling na public servant kaya buo ang suporta nila rito.

Pero si Sen. Bong Revilla, Jr. ang pinaka-proud dahil napakabata nitong nagsimula sa public servant at tingin niya malalagpasan pa siya at malayo pa ang mararating nito.

PAK: Tampulan ng tukso si Sarah Lahbati dahil sa meron itong stalker na wala talaga siyang ideya kung sino ito.

Nagulat ang young actress pagdating niya ng condo unit na merong isang pumpon na bulaklak ang sumalubong sa kanya.

Walang pangalang nakalagay sa card kaya med­yo naintriga siya kung sino nga ito.

Tinanong niya ang guard pero walang may naka-log sa kanila. Hindi rin alam ng kasambahay niya kung sino ang nagpadala. Kaya kaagad niyang tinwit at baka makarating ito sa nagpadala.

Tinutukso tuloy ito ng mga kaibigan niyang meron na pala siyang stalker.

BOOM: Naintriga na naman si Pauleen Luna dahil merong naglabas na nag-post si Pauleen sa kanyang Twitter account ng “Happy birthday, love.”

Nag-post ito nung April 28 na kaarawan ni Vic Sotto. Pero kinlaro ni Pauleen na wala na siyang Twitter account.

Pero kinorek ng PEP na hindi pala sa Twitter nito lumabas kundi sa Facebook niya.

Kaya lang mahigit sampu naman ang Facebook account nito na hindi alam kung alin doon ang kanya talaga.

Hindi na sumagot si Pauleen kung meron nga ba siyang status sa Facebook niya na binabati ng happy birthday ang kanyang love.

vuukle comment

BONG REVILLA

CAVITE

CAVITE CITY MAYOR TOTIE PAREDES

DINO CHUA

FACEBOOK

JOLO

JOLO REVILLA

KAYA

PAULEEN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with