^

PSN Showbiz

KC ipinagtanggol sa mga nanghuhusga si Charice!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Magsisimula na sa Hunyo ang bagong show ni KC Concepcion sa Kapamilya network na The X Factor Philippines.

Ang dalaga ang host ng nasabing talent search program kaya ngayon pa lamang ay sobrang abala na siya para rito. “Umiikot talaga kami nationwide, we’re very excited to see them na haharapin na talaga ang competition,” nakangiting bungad ni KC.

Magsisilbing hurado naman sina Gary Valenciano, Martin Nievera, at Charice para sa bagong show na ito.

Ngayon ay may mga kumukuwestiyon sa pagkakasama ni Charice sa listahan ng mga hurado dahil kulang pa raw ang experience ng international singer kumpara kina Gary at Martin na tatlong dekada na sa industriya. “Well, Charice naman had experienced things na hindi naman na-experience ng marami rito sa Philippine showbiz. Siyempre ibang level din ‘yung competition na hinaharap niya every day ng career niya kasi hindi rin basta-basta ang nakaka-perform siya roon. So kahit paano sa tingin ko, meron din naman siyang puwedeng ibahagi sa atin na baka hindi natin alam na napagdaanan niya, natutunan niya,” pagtatanggol ni KC kay Charice.

Nakiusap din ang dalaga sa mga taong kumukuwestiyon kay Charice na huwag basta-bastang humusga sa kanilang kapwa. “It’s easy kasi to judge someone na wala tayo roon sa puwesto niya, but the international scene is also hard like Philippine showbiz. So baka may iba ring nangyayari na hindi natin alam na naituro at nakatulong kay Charice,” giit pa ni KC.

Samantala, mayroon daw wish ang dalaga para sa katatapos lang niyang kaarawan. “Sana ‘yung sa work, ‘yung sa health ko. Sana ma-reach ko na talaga ‘yung goal, ma-reach ko ‘yung Bayo-bikini body ko before na ginawang billboard ma-achieve ko ng safe at hindi ‘yung ginugutom ko ang sarili ko para ma-achieve ‘yun,” natatawang sagot ni KC.

Bianca at John halos isang taon na ang relasyon

Kamakailan ay umamin na si Bianca Manalo sa Kris TV na opisyal na silang magkarelasyon ni John Prats. Wala pa raw isang taon ang kanilang relasyon ng aktor pero ayaw daw nilang ipaalam sa publiko kung kailan ang kanilang anniversary. “Secret namin ‘yun eh, ayaw niya (John) ipasabi. Gusto niya ‘yun ‘yung one thing na sa amin na lang. Nakakatawa kung paano naging kami, basta nagulat na lang ako na sinabi niya, ‘Tayo na ba?’ patawa-tawa, sabi ko lang ha? O basta di na ako magtatanong eto na ‘yun. Pag-uwi ko ng bahay, ginising ko ‘yung kapatid ko, Nicole, gumising ka! Bakit? Hindi na ako single! So ‘yun na ‘yun,” nakangiting kuwento ni Bianca.

Malaki na raw ang ipinagbago ng relasyon nina Bianca at John ngayon kumpara noong nasa Happy Yipee Yehey pa sila. “Mas naging close kami, mas naa-appreciate namin ‘yung time together. Sa gabi nagdi-dinner kami, we watch movies. Mas nache-cherish namin ‘yung moments, unlike noong magkasama kami sa noon time show, palagi kaming magkasama, parang normal lang na daily routine, ito iba talaga,” kinikilig pang pahayag ng dalaga. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BIANCA

BIANCA MANALO

CHARICE

GARY VALENCIANO

HAPPY YIPEE YEHEY

JOHN PRATS

LSQUO

NIYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with