^

PSN Showbiz

John naglaway kay Gabby

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

’Katuwa ang name ni John “Sweet” Lapus sa The Mommy Returns, ang Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment, Inc. at showing sa May 9. Siya’y si Diyosa ng Purga (for Purgatoryo) at pareho sila ni Pokwang na ghost ang labas sa comedy film. After magbida sa Moron 5 and the Crying Lady, balik sa pagiging supporting ang komedyante at hindi siya bothered.

Mas importante sa kanya ang ganda ng project kesa mamili ng role at sa Regal movie lang niya makakasama sina Ruffa Gutierrez at Gabby Concepcion. Mali kung tinanggihan niya ang pelikula na idinirek ni Joel Lamangan.

Sabi ni John, naglaway siya kay Gabby sa ekse­nang naka-tapis lang ito ng towel at napangiti ang aktor sa narinig, lalo na nang banggitin ni Sweet na lumaki siyang pinapanood ang mga pelikula nito.

Samantala, wala pang next movie sa Viva Films na bida siya si Sweet. Mag-i-expire ang kontrata niya sa Dec. 31 at ang alam niyang project ay support siya sa movie nina Anne Curtis, KC Concepcion, at Derek Ramsay.

Fabio walang problema sa dyowa

Sa isang interview, itinanggi ni Fabio Ide na may death threat ang kapwa Brapanese at kaibigang si Daniel Matsunaga kaya bumalik sa Brazil. Ang alam niya, gusto lang nitong bisitahin ang pamilya at walang kinalaman si Heart Evangelista sa desisyon nitong manatili muna sa Brazil.

Mabuti pa si Fabio, walang problema sa love life dahil “getting there” pa lang sila nang nali-link sa kanyang si Ces Olondriz na may mataas na posisyon sa Esquire Philippines magazine. Magkasama silang dalawa sa San Vicente, Palawan noong nakaraang Holy Week. Enjoy siya sa company ng dalaga.

Anyway, tagumpay ang launching ng shoe line ni Fabio sa Mario D’ Boro called The Fabio Ide Collection: It’s My Turn na ginawa sa Robinsons Place Pioneer. 

Jean at Jolina magkakumpetensiya

Sina Jolina Magdangal at Jean Garcia na lang ang nagpapalitang mag-guest host sa Personalan, napapanood sa GMA News TV Channel 11, 7 p.m., Monday to Friday. Ibig kayang sabihin, isa sa kanila ang pipiliing maging regular host ng programa at ipapalit kay Ali Sotto?

Nabanggit ni Jean na gustung-gusto niyang ma­ging host ng Personalan at pini-pray niyang siya na ang mapiling humawak nito.

Ang problema lang, hindi niya mapigilang umi­yak sa mga istoryang dini-discuss nila sa show.

Maluwag ang schedule ni Jean dahil Alice Bungisngis and Her Wonder Walis lang ang ginagawa na very light ang tema. Hindi pa sure ang movie na kanyang gagawin, kaya masaya ’pag siya ang guest host ng Personalan.   

vuukle comment

ALI SOTTO

ALICE BUNGISNGIS AND HER WONDER WALIS

ANNE CURTIS

CES OLONDRIZ

CRYING LADY

DANIEL MATSUNAGA

DEREK RAMSAY

FABIO

PERSONALAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with