^

PSN Showbiz

Luis nagbago ang isip, ayaw nang mag-pulitika

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Malapit nang magdiwang ng kanyang kaa­rawan si Luis Manzano. Masayang-masaya ang aktor dahil namamayagpag ang kanyang career ngayon. Nagpapasalamat siya sa kanyang mga ma­gulang na sina Gov. Vilma Santos at Edu Man­zano dahil sinuportahan nila ang ambisyon ni Luis.

“The best part is hindi nila ipinaramdam sa akin na makikilala ako dahil anak ako ng mga artista. For me, people gave the illusion of the shadow pero mas binigyang halaga ko ang ipinapakita sa akin ng mga magulang ko na there was no shadow. Do whatever you want to do, if you want to be an actor, go for it,” paliwanag ni Luis.

“Until my last breath, there will be some people saying na nakuha ko lahat ng ito dahil lang sa mga magulang ko. At the end of the day, ako po ang nagpupuyat. Ako po ang humaharap sa camera. Ang sinasabi ko ay nanggaga­ling din sa akin, so ang sinasabi ko I try my best, I work as hard as I can and nagpapasaya ng tao,” dagdag pa ng binata.

Samantala, aminado rin si Luis na minsan na ring sumagi sa kanyang isipan na pasukin ang pulitika katulad ng kanyang mga magulang pero ayon sa kanya ay iba talaga ang pakiramdam kapag nakapagpapasaya siya ng mga tao sa mundo ng showbiz.

“Iba ang fulfillment na nakikita ko through a movie or TV screen. People come up to you para sabihin ang galing mong mag-host, napatawa mo kami. At the same time, nakikita ko ang mommy at daddy ko, people come up to them and sasabihin dahil sa ’yo guminhawa ang buhay namin. I think it’s innate in human beings to be of help to others,” pagtatapat ng aktor.

Sa Sabado ay isang espesyal na episode ang mapapanood natin sa Kapamilya Deal or No Deal bilang pagdiriwang ng kaarawan ni Luis.

Makakasama ng aktor sa programa ang mga babaeng pinakamalapit sa kanyang buhay, ang kasintahang si Jennylyn Mercado at ang inang si Gov. Vilma Santos.

Andi naghihintay lang kay Albie

Pinaghahandaan na ngayon ni Andi Eigenmann ang kanyang pagbabalik sa showbiz. Ang inspirasyon ng aktres ay ang kanyang apat na buwang anak na si Ellie. Kamakailan ay nagkita sina Andi at ang sinasabing ama ng kanyang anak na si Albie Casiño subalit hindi nagpansinan ang dalawa.

“Nagkita na kami pero in a different place, hindi sa ABS-CBN. Hindi nga yata ako kilala. Hindi kami masyadong close. Hindi kami nagpansinan,” makahulugang pahayag ni Andi. 

May nagsasabi naman na hindi talaga napansin ni Albie si Andi nang magkahiwalay na pumunta sa Boracay ang dalawa kamakailan. Handa na kayang patawarin ng aktres si Albie kung sakaling lapitan siya ng aktor? “Wala namang nagso-sorry sa akin, ‘yun ang lagi kong sinasabi, sino’ng patatawarin ko? If they want to be part of Ellie’s life, I’m all for it. Anything for the betterment of Ellie’s future,” pagtatapos pa ni Andie. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ALBIE

ALBIE CASI

ANDI

ANDI EIGENMANN

EDU MAN

ELLIE

KANYANG

LUIS

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with