^

PSN Showbiz

Katya Santos hindi siniseryoso ng mga kliyente ng Viva

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Proud ang dating sexy Viva Hot Babe na si Katya Santos na ikinuwento sa aming active siya bilang empleyado ng Viva Films.

Siya ang may hawak ng mga special events ng Viva at enjoy siya sa bago niyang trabaho. Pero artist pa rin siya ng Viva. Kaya lang ’pag nagtatrabaho siya bilang empleyado ng Viva, parang hindi raw siya siniseryoso ng ibang kliyente na kausap niya. Parang ayaw siyang paniwalaan kung talagang nagri-represent nga ba siya ng Viva office.

“Minsan natatawa sila sa akin, hindi nila ako siniseryoso kasi siguro nagugulat sila na parang alam mo bang nag-i-events ka kasi nagpi-present ako sa kanila. Talagang meron akong audio-visual presentation, ’tapos nagpapakilala ako sa kanila as Katrina Santos, not Katya Santos.”

Nag-i-enjoy daw siya sa ganung trabaho dahil gusto lang naman niyang patunayang may buhay pa pagkatapos ng Viva Hot Babes.

PAK : Pinag-uusapan ng mga beki at sa ilang social network sites ang muntikan nang pagkatanggal kay Jessica Sanchez sa American Idol. Pero napaka-dramatic nang pagka-save sa kanya ng mga judges na ang duda ng karamihan ay isang malaking gimmick lang ng AI para sa ratings. Pinag-usapan na nga naman ito ngayon!

BOOM : Hindi naman itinatanggi ni Michael V. na isa siya sa mga highest taxpayers ng bansa dahil talagang personal niyang inaasikaso ito sa tulong ng kanyang asawa at lahat ay dini-declare nila sa Bureau of Internal Revenue.

“Ang nagha-handle ng finances ko, ’yung asawa ko. Ako nga, nagulat din nung sinabi n’ya sa akin, at hindi ko nga alam kung matutuwa ako o maiiyak,” natatawang pahayag ni Bitoy.

Excited na lang siya ngayon sa bagong programa nila ni Ogie Alcasid na Pare and Pare na magsisimula na sa GMA 7 sa susunod na buwan.

vuukle comment

AMERICAN IDOL

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

JESSICA SANCHEZ

KATRINA SANTOS

KATYA SANTOS

MICHAEL V

OGIE ALCASID

PARE AND PARE

PERO

PINAG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with