^

PSN Showbiz

Danita at Edgar Allan nagkakamabutihan na?

-

MANILA, Philippines - Nagkakaintindihan na nga ba ang Isang Dakot na Luha co-stars na sina Danita Paner at Edgar Allan Guzman?

Kasabay ng pagsikat ng Golden Screen Awards best actor na si Edgar Allan ay mga intriga sa kanyang personal na buhay. Ngayong hiwalay na sa kanyang girlfriend, panibagong buhay na ang haharapin ng young actor. Katulad ng kanyang onscreen partner, nagdaan din si Danita sa kalungkutan matapos ang breakup nila ni JC de Vera. Ngayon naman, naiipit ang dalaga sa away ng kanyang manager na si Annabel Rama at inang si Daisy Romualdez.

Magkapareha sina Edgar Allan at Danita sa afternoon soap ng TV5 at dahil parehong may pinagdadaanan ang dalawa sa kanilang personal na buhay, hindi kaya naging dahilan ito para maging mas malapit sila sa isa’t isa?

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Isang Dakot na Luha, magsisimulang manligaw si Miguel (Edgar Allan) kay Angela (Danita). Nung una ay panay ang iwas ni Angela sa binata dahil sa iniingatan niyang lihim sa kanyang pagkatao. Ngunit sa pagpupursigido at pagkakaligtas ni Miguel sa dalaga mula sa snatcher, magbabago ang pakikitungo nito sa binata. Lumambot na kaya ng tuluyan ang matigas na puso ni Angela? Ito na kaya ang simula ng isang magandang love story? Abangan ang magaganap sa Isang Dakot na Luha, mapapanood tuwing hapon, 2:30 p.m., sa TV5.

vuukle comment

ANGELA

ANNABEL RAMA

DAISY ROMUALDEZ

DANITA

DANITA PANER

EDGAR ALLAN

EDGAR ALLAN GUZMAN

GOLDEN SCREEN AWARDS

ISANG DAKOT

LUHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with