^

PSN Showbiz

Robi naranasang gumapang sa school

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Masayang-masaya si Robi Domingo dahil nakapagtapos na siya ng kursong Bachelor of Science in Health Sciences sa Ateneo de Manila University kamakailan.

Sinikap talaga ng binata na mag-aral kahit naging kabi-kabila rin ang kanyang showbiz commitments. “It feels very, very surreal. When I went up the stage and got my diploma, it felt very fulfilling kasi napagsabay mo ‘yung parehong mundo. To get that feat done is such an incredible experience for me because I’ve grown so much because of being in the industry and in school at the same time. It’s no joke talaga. The graduation highlighted every hour, every moment that I spend sacrificing my play time, time with friends and family and doon nag-culminate lahat,” nakangiting pahayag ni Robi.

Noong pumasok ang binata sa showbusiness ay hindi raw sumagi sa kanyang isipan na huminto muna sa pag-aaral. “I instilled in myself the concept that I would never stop my college years kasi once I stop, I’ll succumb into not learning anymore. I really wanted to achieve that goal,” paliwanag pa ni Robi.

Nagkamit din ng loyalty award ang binata noong graduation dahil sa Ateneo rin siya nagtapos ng kanyang elementary at high school.

Hinding-hindi raw makakalimutan ni Robi ang mga araw na talagang pumapasok siya nang diretso galing sa kanyang trabaho. “There was an instance na two hours lang ‘yung tulog ko, talagang literal na gapang. I’d have a cup of coffee on one hand and then talagang kinakapa ko ‘yung walls while going up the stairs. There are lots of times that I’d be late but may excuse naman ako na galing ako sa work. I can remember talaga na sobrang hirap ng mga pinagdaanan ko,” kuwento pa ng young actor.

Billy tuloy ­na ang pag-iwan kay Nikki

May mga bulung-bulungan na nagkahiwalay na raw ang magkasintahang sina Nikki Gil at Billy Crawford. Agad namang sinagot ni Billy ang lumabas na isyu tungkol sa kanila ng dalaga at ngayon daw ay lalo pang mas tumitibay ang kanilang relasyon ni Nikki.

Apat na taon na ngayong magkarelasyon ang dalawa. “Sunud-sunod nga eh, nag-break, nagkahiwalay, nag-live in. Ewan ko kung anu-ano ang sinasabi ng mga tao. I couldn’t be happier, the relationship couldn’t be stronger. We’re good,” pahayag ni Billy.

Nakatakda nang pumunta ang binata sa Europe sa huling linggo ng buwan para sa kanyang international album. May pangamba raw na nararamdaman si Billy ngayong iiwan niya pansamantala si Nikki. “Of course there’s a fear of being away from someone you love, pero kakayanin mo eh. ‘Pag mahal mo ang isang tao you will do anything you can to make it work and you will give time for that relationship, no matter what happens,” dagdag ni Billy. Hindi pa raw sigurado ang binata hanggang ngayon kung gaano katagal siya mawawala sa Pilipinas. - Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ATENEO

BACHELOR OF SCIENCE

BILLY CRAWFORD

HEALTH SCIENCES

MANILA UNIVERSITY

NIKKI

NIKKI GIL

ROBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with