^

PSN Showbiz

Matapos ibasura ang tumulong na manager, young actor ayaw nang kausapin ng marami

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Iniiwasang interbyuhin ng mga press ang isang young actor (YA) bilang pakikisimpatiya sa ex-ma­nager nito na biglang iniwan nang gumanda ang takbo ng career. Ang masakit pa, hindi na kinausap ni YA ang manager para ipaalam na iiwan na niya ito. Sinulatan na lang ang manager ng kampo ni YA para ipa­alam na aalis na sa management niya si YA at sila na ang magma-manage sa career nito.

Wala nang nagawa ang manager kundi tanggapin na pagkatapos niyang hanapan ng TV shows at endorsements si YA, iiwan siya nito. Hindi na siya naghabol at pinabayaang lumipad si YA.

Mabait lang ang manager dahil hindi nag-ingay at sa iilang kaibigan sa press lang inilabas ang sama ng loob sa ginawa sa kanya ni YA. Nakiusap din ito sa press na ‘wag na lang siraan si YA, ang ginawa ng press, hindi na lang ini-interview si YA.

Mikael ipinagmamalaki ang kaseksihan ni Megan

Nagpapatalbugan sa pagpapaseksi ang mga cover girls ng March issue ng iba’t ibang magasin. Si LJ Reyes ang nasa cover ng Playboy; si Nadine Samonte cover ng Circuit; si Megan Young cover ng Rouge; at si Bela Padilla sa FHM.

Pinaka-sexy for sure kay Paulo Avelino ang cover ni LJ, pero para kay Mikael Daez, pinaka-sexy si Megan at nag-tweet pa ng paghanga niya. Nang biruin ng mga nakabasa sa tweet niya, ang alibi ay nag-a-appreciate lang siya ng magandang cover. Pinaka-safe ang cover ni Nadine na naka-bikini top at naka-pants, pero sexy pa rin siyang tingnan.

Pinaka-controversial nga lang si Bela dahil ni-recall ang FHM at dahil dito, na-interview siya ng BBC News, na-feature sa New York Daily, at pinik-up ng Reuters ang story. Nitong huli, nag-react na rin ang Gabriela.   

Gwen nilapirot ang ilong at pinisil-pisil ang pisngi para patunayang ’di niretoke

Nakita namin si Gwen Zamora sa presscon ng Biritera at isa sa mga itinanong namin ay ang tsikang nagpaayos siya ng mukha kaya nag-iba ang hitsura niya.

Itinanggi ni Gwen na nagpaayos siya ng mukha, naiba lang ang hitsura niya dahil tumaba siya. Pumayat na siya, kaya back to normal ang hitsura niya, at para patunayang wala siyang ipinaayos ay nilapirot ang ilong, at pinisil-pisil ang pisngi.

Natawa si Gwen na tinutukso siya kay Dennis Trillo dahil sa marami nilang kissing scene sa Biritera, pero wala palang dapat ikatakot si Bianca King dahil sabi ni Gwen she’s dating a Pinoy non-showbiz guy.

Anyway, kasama si Gwen sa cast ng My Kontrabida Girl na showing sa March 14, as Mariana, ang bida na nagrereklamo sa sampal ni Isabel (Rhian Ramos). Susunod ang showing ng pinagbibidahan niyang The Witness sa March 21.

Sef sinusuwerte sa career

Kabilang si Sef Cadayona sa cast ng My Kontrabida Girl na may butt exposure, pero comedy ang ginawa niya’t naglagay ng band-aid sa puwit. Parang audition pala ang eksena dahil nangako si Isabel (Rhian Ramos) na tutulungan silang mag-artista, ’yun pala pinaglaruan lang sila.

Masaya si Sef sa takbo ng career dahil hindi man bida, sunud-sunod ang mga projects at nakikilala na rin ang husay sa pagsasayaw. Sariling choreography pala nito ang dance number nila ni Julie Ann San Jose sa Party Pilipinas.

Bukod sa My Kontrabida Girl, parang isasama rin siya sa cast ng Just One Summer nina Julie Ann at Elmo Magalona at kasama rin siya sa Alice Bungis­ngis and Her Wonder Walis.

vuukle comment

ALICE BUNGIS

DAHIL

GWEN

LANG

MY KONTRABIDA GIRL

NIYA

PINAKA

RHIAN RAMOS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with