^

PSN Showbiz

Sarah ready nang maghubad sa harap ng maraming tao

- Veronica R. Samio -

Yes, huling pagtatanghal na ng Gandang Gabi  Vice sa Linggo. Sa susunod na Linggo, Peb. 26, eere na ang mala-concert na musical show ni Sa­rah Geronimo na Sarah G, Live! Pinagha­handaan ng mabuti ni Sarah ang kanyang kauna-unahang solo musical at  makakasama niya bilang co-host si Luis Manzano.

Tinanggihan ni Sarah ang proyekto nang        unang ialok sa kanya. Pero handa na siya at hindi nag-aalala sa mga gagawin niyang pagkanta ng live. Maging ang pagsasayaw ay hindi niya pino­problema. Sabi nga ng choreographer niya sa show na si Georcelle Dapat-Sy : “She’s a natural. Madali niyang makabisa ang anumang dance steps na kailangan niyang matutunan at hindi siya mareklamo.”

“Sinabi ko kay Boss Vic (del Rosario, Viva’s bossing) na hindi ako host. Pero hindi siya nakumbinse. Basta sinabi lang niya sa akin na ‘Just be yourself.’ Baka bigyan na lang nila ako ng interpreter kapag may foreign guest sa show,” pagbibiro niya.

“Magiging daring ako sa show. Maaring hindi sa damit na isusuot ko although, lately nagpapakita na ako ng more skin, flesh sa ASAP, kundi sa        aking gagawing performances. Ihahagis-hagis ako sa mga dance numbers ko at maghuhubad  ako sa harap ng audience. Kung paano ko ito gagawin ay siya n’yong dapat panoorin,” pang-iimbita ni Sarah.

Sa presscon ng Sarah G, Live, sinabi rin niya na wala siyang alam sa intriga na nagtatampo sa kanya si Vice Ganda dahil kinuha niya ang time slot nito. Desisyon ng management ang paglalagay ng kanyang musical sa oras nito. Itinanggi rin niya na may alam siya sa sinasabing pagkakampihan nina Vice Ganda at Kris Aquino laban sa kanya na dahilan daw kung bakit hindi siya naiimbitang mag-guest sa morning talk show ni Kris. Hindi naman daw tuluyan at permanente nang mawawala ang show ni Vice Ganda. Magpapahinga lang ito ng one season at pagkatapos ay babalik uli ito sa TV.  Pero kahit bumalik ito, hindi na mawawala ang show ni Sarah.

Grace Lee biglang hinahabol na

Nagkaroon na ng superstar status ang Koreanang TV host na si Grace Lee dahil sa pagkakasangkot niya kay P-Noy. 

Kung dati ay sa isang popular na diyaryo lamang siya nababasa at napapanood sa ilang shows ng GMA News TV, siya na ang hinahabol, dinudumog ng media para lamang malaman ang mga huling kaganapan sa kanila ng kanyang manliligaw na pangulo ng Pilipinas.

Maging ang kanyang bansang Korea ay nagpadala na rin dito ng kanilang mga TV crew at reporter para lamang makilala ang kababayan nilang bata pa nang magsimulang manirahan sa bansa kasama ang kanyang mga magulang. Dito na nag-aral at nagtapos ng kolehiyo ang 29 taong gulang na maitutu­ring na Cinderella ng makabagong panahon.

vuukle comment

GANDANG GABI

GEORCELLE DAPAT-SY

GRACE LEE

NIYA

PERO

SARAH G

SIYA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with