^

PSN Showbiz

Grace Lee ini-enjoy ang biglang pagsikat!

- Veronica R. Samio -

Sayang ‘yung mga naunang na-link kay P-noy. Hindi nila na-enjoy ang mga bagay na ini-enjoy ngayon ng Koreanang si Grace Lee, tulad ng popularity, at ang mga materyal na bagay kaugnay ng pagiging sikat dito sa ating bansa. Dahil dito, tumaas ang estado ng GMA 7 host na ngayon ay nanganganib makuha ng ibang network na siguradong nag-offer din ng doble kundi man ay tripleng TF na hindi nila aayawan ng kanyang manager dahil wala na silang kontrata sa GMA.

Dumami na rin daw ang gagawin nitong product endorsements. Talaga lang na mababawasan na ang oras ng pamamahinga ng pinaka-paboritong babae ngayon ng pangulo. Wala naman daw reklamo ang mga kapatid ni P-noy, binibigyan nila ng pagkakataon ang kapatid na makahanap ng babae na magbibigay naman dito ng inspirasyon.

Sa rami ng problema ng bansa, tanging ang pagmamahal lamang ng isang babae ang makakapagpagaan sa mga trabaho ng presidente.

Nanay ni Ramgen inaming hindi na niya  inaalala ang namatay na anak

Bago pa pumanaw si Ramgen Revilla ay mayroon na silang bagong karelasyon ng girlfriend niyang si Janelle Manahan.

Ito ang naging pahayag ng kanyang inang si Genelyn Magsaysay pumayag ma-interview ni Boy Abunda sa The Bottomline.

Marami ang tumutok sa nasabing award winning na programa dahil naniniwala sila sa kakayahan ng host nito na mas mapiga pa ang ina ng pumanaw na aktor na magbigay ng mga detalye na hindi pa nalalaman ng publiko. Hindi naman sila nabigo. Isa sa mga pagbubunyag na ginawa ni Genelyn who appeared youngish and pretty sa kabila ng pagsisilang ng siyam na anak.

Ang pagkakaroon ng bagong karelasyon nina Ramgen at Janelle ay ikinagulat ng maraming manonood bagaman at hindi niya nilinaw kung bakit sa kanila pa tumutuloy ang girlfriend ni Ramgen at bakit niya ito hinayaan.

Agree naman ako sa sinabi niya kung bakit mas pinagtutuunan niya ang pagiging suspect ng dalawa niyang anak na sina Ramona at Ramon Jose kaysa sa namatay na si Ramgen. Kung totoo ang dahilan niya, tama lang siya dahil nasa Panginoon na si Ramgen kaya hindi na niya dapat pang problemahin pa.

Hindi nga lamang kapani-paniwala ang ibinigay niyang dahilan kung bakit tinakasan ni Ramona ang kanyang mga responsibilidad dito.

vuukle comment

BOY ABUNDA

GENELYN MAGSAYSAY

GRACE LEE

JANELLE MANAHAN

NIYA

RAMGEN

RAMGEN REVILLA

RAMON JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with