^

PSN Showbiz

Vaness kinarir ang pagiging assistant director

-

MANILA, Philippines - Hindi lahat ng mga young stars sa local showbiz ay biniyayaan ng staying power. Nangyayari lang ’yun sa isang artista kapag talagang may ganda, appeal sa masa, at talento. Katulad na lang ng StarStruck Season 3 Avenger na si Vaness del Moral, GMA Artist Center (GMAAC) talent.

Lingid sa kaalaman ng marami, bukod sa pagiging visible sa TV ni Vaness ay ang mundo ng film production ang pinagkakaabalahan niya. Nagsimula ito nang bigyan siya ng script ng kaibigang theater play director-scriptwriter na si Joey Paras para sa isang independent na horror film. Naghahanap kasi si Joey ng puwedeng mag-produce at buuin talaga ang kuwento sa isang pelikula. Nagka­interes naman agad si Vaness at naging produ at assistant director pa.

Ilang araw ang dumaan at natapos ang Hantu, ang nakakatakot na kuwento ng isang ama at anak na babae na nakadiskubre ng mga mister­yosong pangyayari sa isang resort.

Nakapag-special screening na ang grupo ni Vaness at nagsikap makuha ang reaksiyon ng mga tao.

“Haping-happy naman ako sa outcome ng film lalo na that I got the chance to be a part of the production team as an assistant director. Talagang hands-on ka and fulfilling ang feeling,” sabi ng young actress.

Target niya na mai-market ang Hantu kahit sa ilang piling sinehan lang.

Napapanood naman sa kasalukuyan si Vaness sa afternoon fantasy-romance na Kokak bilang si Elizabeth, ang kontrabida ng bidang si Kara (Sarah Labhati).

90.7 Love Radio may bonggang celebration

Bonggang-bongga ang Valentine celebration ng mga taga 90.7 Love Radio! Bukod sa anibersaryo mismo ng istasyon, hindi matinag-tinag ang kanilang posisyon bilang #1 sa ratings sa loob ng nakaraang sampung taon.

Patuloy ang kanilang pag-alagwa sa ere dahil sa higit na pinalakas na line-up ng mga deejay. Balik-Love Radio na muli si Christine Dera, na nagpasikat ng tagline na “Har-Har.” Siya’y maririnig na muli tuwing alas-11 ng umaga, pagkatapos ng back-to-back morning programs ng Tambalang Balasubas at Balahura na sina Chris Tsuper at Nicole Hyala. Sumusunod naman sa kanya si Robin Sienna na sumasahimpapawid ala-una ng hapon. Pagdating ng alas-tres, bubulabugin naman kayo ng masayang pares na sina Diego Bandido at Emma Harot. At siyempre, sa gabi, ma-e-enjoy pa rin ng husto ang mga palatuntunan ng sikat na sikat na si Papa Jack – ang True Love Conversations at Wild Confessions. 90.7 Love Radio – kailangan pa ba’ng i-memorize iyan?

vuukle comment

ARTIST CENTER

BALIK-LOVE RADIO

CHRIS TSUPER

CHRISTINE DERA

DIEGO BANDIDO

EMMA HAROT

HANTU

JOEY PARAS

LOVE RADIO

VANESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with