^

PSN Showbiz

Sandara nawiwili sa 'Pinas!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Pinupuri ko itong si Sandara Park dahil talagang mahal niya ang Pilipinas. Binabalik-balikan niya ito, may trabaho man siya o wala, basta makakaya ng kanyang schedule.

Narito uli siya for a short vacation at ang balita na kinunan sila ng kagrupo niya sa 2NE1 sa Albay, Bicol dahil sa isang Koreanovela. Second time na ito ng 2NE1 pero si Sandara o Dara ay nakakailang balik na. Minsan nga nakipag-reunion ito sa mga tulad niyang alumni ng Star Quest.

Hindi itinatago ng Koreana ang pagkagiliw niya sa bansa at ipinagsasabi niya ito online. Kaya maraming kababayan niya ang nararahuyong pumasyal din dito. If only for this, dapat natin siyang pasalamatan.

John hindi na nakapag-birthday sa HYY

Valentine Boy din pala si John Prats. Sayang ’di na umabot sa birthday niya ang Happy Yipee Yehey. Pero siyempre, wala man ang show, hindi naman mawawala ang love niyang si Bianca Ma­nalo.

At palaging magiging memorable sa kanila ang natsuging noontime show dahil dito sila nagkalapit at nagkaunawaan. Happy birthday, John at good luck sa inyo ni Bianca!

Janno balik  sa dating gawi

Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nagbabago si Janno Gibbs. Palagi pa rin itong late dumating sa kanyang mga tapings at shootings. Mabuti naman at hindi niya naaapektuhan ang kanyang mga kasamahan.

Dati kasi ay ito ang pinoproblema nila sa kanya pero gaano man niya tangkaing baguhin ang kanyang gawi, hindi niya mapangatawanan. Dumating man siya ng maaga pero, sa simula lamang. ’Pag nagtagal-tagal, balik din siya sa dati niyang gawi.

Kuwento lang ito sa akin, ha Janno? Pero sana take into consideration. Lahat puwedeng magbago. Sana ikaw rin.

Beverly Vergel tuluy-tuloy  sa pagtuturo ng tamang acting

It pleases me know na hindi pala tumitigil sa pagbibigay ng acting workshop ni Beverly Vergel. Magaling na artista itong anak nina Alicia Vergel at Cesar Ramirez, mga sikat na artista nung kanilang kapanahunan at kapatid ni Ace Vergel, naging sikat na action star at kapanabayan ni Rudy Fernandez.

 Hindi nakapagtataka kung magturo man ito ng acting dahil magaling na artista si Beverly kahit maaga niyang tinalikuran ang pag-aartista niya. Meron din siyang anak na magaling ding umarte pero mas binigyan ng prayorirad ang pag-aaral.

Akala ko rin nag-join na si Bevs sa kanyang daughter sa abroad. Andito pa pala siya. Kaya natutuwa ako dahil naisi-share pa niya ang talent niya sa marami.

vuukle comment

ACE VERGEL

ALICIA VERGEL

BEVERLY VERGEL

BIANCA MA

CESAR RAMIREZ

HAPPY YIPEE YEHEY

JANNO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with