^

PSN Showbiz

Shalani kinaiinggitan sa romantic wedding kay Roman

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Mahirap puntahan ang simbahan na pinagdausan kahapon ng kasal nina Shalani Soledad at Roman Romulo pero dinayo pa rin ito ng mga usisero.

Sumugod din sa St. Benedict Church sa Ayala Westgrove ang mga reporters ng mga broadsheets and tabloids dahil inihabol nila sa frontpage ang wedding picture ng magdyowa.

May balita na exclusive sa TV5 ang kasal ng councilor-TV host at ng congressman pero na-sight sa paligid ng simbahan ang mga OB van ng GMA 7 at ABS-CBN.

Mahirap gawin na exclusive ang kasal dahil high-profile personality si Papa Roman, lalo na ang kanyang bride na certified newsmaker.

Interesado ang mga tao na makita hindi lamang ang wedding gown ni Shalani, kundi ang bride mismo. Diyosang-diyosa si Shalani sa kanyang bridal gown na gawa ni Inno Sotto. Maraming babae ang naiinggit sa very romantic wedding nila ni Papa Roman.

Marami nga ang nag-abang kahapon sa mga showbiz talk shows dahil inisip nila na may live coverage ang kasal.

Inihabol kagabi sa mga Sunday news programs ang balita tungkol sa pagpapakasal ng dalawa.

Maagang dumating sa simbahan ang mga bisita dahil nag-unahan sila na makahanap ng magandang puwesto.

Napuno ng mga tao ang malawak na loob ng St. Benedict Church dahil halos isang libo ang bilang ng mga invited guests.

Karamihan sa mga bisita eh nagpunta sa simbahan dahil sa kagustuhan nila na masaksihan ang exchange of vows nina Papa Roman at Shalani.

May mga usisero na nag-hope sa pagdalo ni P-Noy na imposibleng mangyari dahil hindi siya invited at kung imbitado man eh hindi rin pupunta dahil ex-girlfriend niya ang bride. At kung pumunta si P-Noy, tiyak na ito ang magiging news at masasapawan ang wedding of the month.

Malapit lang sa wedding reception ang St. Bene­dict Church. Hindi nahirapan ang mga bisita na hanapin ang reception sa Nuvali dahil sa map na kasama na enclosed sa imbitasyon.

Dahil may kalayuan sa Metro Manila ang simbahan at ang wedding reception, maagang pumunta sa parlor ang mga bisita. Bumiyahe rin sila ng maaga para hindi matrapik.

Eh Sunday kahapon kaya maluwag ang kalsada. Ang ganda-ganda pa ng panahon na parang nakisama, alang-alang sa kasal nina Shalani at Papa Roman.

Naniniwala ako na may taglay na suwerte si Shalani. Sino ang mag-aakala na mula sa pagiging presidential dyowa eh magkakaroon siya ng career bilang TV host?

At nang pumasok siya sa TV industry, nakilala niya ang kanyang biological father after 30 years.

At nang magkaroon si Shalani ng TV career, na-meet niya si Papa Roman na eventually eh naging asawa niya kahapon.

Galing si Papa Roman sa disente at magandang pamilya kaya masuwerte si Shalani dahil isang responsible na lalaki ang naging asawa niya. Lucky din si Papa Roman dahil good catch ang kanyang beautiful wife.

vuukle comment

AYALA WESTGROVE

DAHIL

EH SUNDAY

INNO SOTTO

MAHIRAP

PAPA ROMAN

ROMAN

SHALANI

ST. BENEDICT CHURCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with