^

PSN Showbiz

Anne napi-pressure sa kanyang concert

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Naaliw ang press kay Anne Curtis sa presscon ng kanyang Annebisyosa: No Other Concert World Tour dahil nagbigay ng sample at live kinanta ang Burn. Bukod dun, kinanta rin ang ilang lines ng Alone at panay ang humming.

Para paghandaan ang major concert niya sa Smart Araneta Coliseum sa Jan. 28, pumayag siya sa suggestion ng manager na si Veronique del Rosario-Corpus na mag-voice lessons at sasabayan na rin niya ng dance lesson at mag-aaral tumugtog ng musical instrument bilang sorpresa sa kanyang fans.

“Napi-pressure ako, ’di ko alam ang gagawin, but I take it as a challenge at sana ma-pass ko ito with flying colors. Babawiin ko na lang ang kulang sa boses sa fashion at production design. First time magko-collaborate sina Liz Uy at Pam Qui?ones for my costume sa two-hour show,” wika ni Anne.

Hindi pa nito masabi kung ilang songs ang kakantahin niya, basta may medley, may duet with her guests, at may birit siya. Very involved siya sa post-production dahil ayaw mapahiya kay Mr. Vic del Rosario at sa Viva Concerts & Events na producer ng concert niya.

Marian gumanti kay Dingdong kaya may halikan kay Bong

Nasa playful mode si Marian Rivera sa presscon ng Panday 2 at sa tanong kung gumanti siya sa boyfriend na si Dingdong Dantes na may kissing scene kay Kris Aquino sa Segunda Mano, kaya may kissing scene rin sila ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa Panday 2, “siyempre” agad ang sagot at saka sinabing kailangan sa story ng Panday 2 ang kissing scene nila ni Bong.

Medyo nahiya si Marian sa “with Marian around” na sagot ni Bong na very positive na susuportahan at panonoorin ang Panday 2. Hindi magsisisi ang mga moviegoers na uunahin silang panoorin kesa ibang entries dahil maganda ang pelikula.

Samantala, sasama si Marian kay Dingdong sa panonood sa first screening ng Se­gunda Mano sa Greenbelt kasama sina Kris at mga kapatid ng TV host-actress. Tiyak na sasamahan din ni Dingdong si Marian na panoorin ang Panday 2.

 

vuukle comment

ANNE CURTIS

BONG REVILLA

DINGDONG DANTES

KRIS AQUINO

LIZ UY

MARIAN RIVERA

NO OTHER CONCERT WORLD TOUR

PAM QUI

PANDAY

SEGUNDA MANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with