^

PSN Showbiz

Maricel ibang-iba na!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Nakakapanibago si Maricel Soriano. Napakalaki ng ipinagbago ng kanyang ugali. Hindi na siya nataray, malumanay na kung sumagot at hindi na nambabara ng press. Ewan kung ano ang nagbago sa kanya pero gustung-gusto ito ng lahat.

Sana nga pang habang-buhay na ito. Napakagaling niyang artista, dapat lang magtagal siya bilang artista. Pero sa ugali niya nun, hindi kataka-taka na nawala siya.

Sa kanyang pagbabalik welcome siya at ang ma­laking pagbabagong nakikita sa kanya.

MMFF pasasayahin ang Pasko

Lahat ng presscon para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na dinaluhan ko, walang hindi nagsabi na maganda ang pelikula nila. Pero hindi sila kundi tayong mga manonood ng pelikula ang tala­gang makapagsasabi kung alin sa mga kalahok ang talagang maganda.

Parang sa taong ito lamang magkakaroon ng mahigpitang laban dahil walang itulak kabigin sa mga entry. Parang lahat ay pinaghandaan, pinagplanuhan, at ginastusan ng malaki.

Ang Panday 2 ni Sen. Bong Revilla, Jr. pawang magagandang artista ang kinuha, bawal daw ang pangit, at ang special effects pang-imported films.

’Yung Enteng ng Ina Mo, unang pagsasama nina Vic Sotto at AiAi delas Alas kaya nakasisiguro na ang mga manonood ng isang nakakatawang panoorin.

Ang Yesterday Today Tomorrow ay isang behikulo na pinagsama-sama ang mga Kapuso, Kapa­milya, at Kapatid artists kaya kaabang-abang. Isa itong family drama na magpapaiyak at magpapasaya sa mga manonood.

Kung gusto mo namang matakot sa panahon ng Ka­paskuhan, panoorin ang Shake Rattle & Roll 13, parehong ginawa ito ng Regal Entertainment, Inc. kaya makakaasa ang manonood ng mga matitinong pelikula.

Black and white naman ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story pero bumagay ito sa napa­kaaksiyong pelikula na ang istorya ay naganap nung ’50s. Tampok si Gov. Jeorge ER Estregan.

Katatakutan din ang Se­­gunda Mano nina Kris Aqui­no at Dingdong Dan­tes pero magtatangka naman tayong patawanin ng My Househusband, Ikaw Na nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Kaya hindi nakakalungkot na kahit sa Pasko man lang ay panay magagandang pelikula ang mapanood natin.

Bagets ng Kapuso at Kapamilya parehong nag-excel

Si Louise delos Reyes ang nakakumpleto ng anim na bagets na pinili kong maging German Mo­reno Youth Achievers na ang parangal ay ginanap sa FA­MAS Awards Night. Nauna nang pina­ngalanan sina Sarah Lahbati at Alden Richards ng Kapuso Network. Sa panig naman ng ABS-CBN ay kinatawan nina Sam Concepcion, Kathryn Bernardo, at Julia Montes.

Ang mga kabataang ito ay nag-excel sa kanilang trabaho sa taong ito. Si Sarah sa Kokak, si Alden sa The Road, at si Louise sa Alakdana. Outstanding naman sina Kathryn at Julia sa Mara Clara samantalang bukod sa TV ay nasa stage rin si Sam. Siya ang gumanap ng Peter Pan.

ALDEN RICHARDS

ASIONG SALONGA STORY

AWARDS NIGHT

BONG REVILLA

DINGDONG DAN

GERMAN MO

IKAW NA

INA MO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with