^

PSN Showbiz

Cogie nagsawa na sa pagsusugal at pagdo-droga!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Si Heath Ledger bilang si Joker sa Batman  ang peg ni Cogie Domingo sa role niya sa sequel ng P.S. I Love You na airing na bukas sa TV5. Pareho raw silang baliw dito ni Melissa Mendez na gumaganap na kanyang ina, sila ang manggugulo sa mga bida.

Sabi ni Cogie, tuluy-tuloy na ang pag-a-active niya sa showbiz sa tulong ni Noel Ferrer at Mr. Vic del Rosario na manager niya ngayon at kung saan, may four-year contract siya.

Inamin nitong nangangapa siya sa first taping days niya, pero tinulungan siya nina Direk Elaine Lozano at Robert Quebral at co-stars.

Sinagot ni Cogie ang isyung pagsusugal at pagda-drugs niya na pareho na raw inalis niya sa kanyang buhay.

“Wala na, hindi na ako naglalaro. Nagtatago na ako sa friends ko nagyaya sa aking magsugal. Na-hook ako dati sa sugal, pero ‘yung drugs, sinubukan ko lang. Pareho ko na silang inalis, nagsawa na lang ako. Seryoso ako ngayon sa career ko dahil ito na lang ang meron ako,” wika ni Cogie.

Melissa Mendez nag-feeling bida

‘Katuwa ang nangyari sa presscon ng P.S. I Love You dahil nag-react pala ang staff ng TV5 at Viva TV nang i-promote ng isa sa cast ang shows niya sa ibang network. Pabirong nag-dialogue ang isang staff na patigilin na ang aktres sa pagpo-promote ng ibang shows, pero tuluy-tuloy ito.

Si Melissa Mendez, buong ningning na in-announce na she’s engaged, pero parang hindi naman interesado ang members ng cast sa kanyang balita.

Si Melissa rin ang nagtapos ng presscon na ikinagulat ng lahat dahil daw mga bida ng dramaserye ang gumagawa noon at hindi siya. Hahaha!

Pero mas intriguing ang nangyari off-cam at mabuti’ hindi na lumaki. Kinumpronta ng mother ng isa sa cast ng dramaserye ang kilalang reporter sa negative write-ups nito sa anak niyang aktres.

Ipinakita raw ng fans ng anak ang mga sinulat ng reporter, sabi ng reporter, sana ipakita rin ng fans ng aktres ang positive na sinulat niya sa aktres, saka tumalikod.

Hindi na narinig ng reporter ang sagot ni madir dahil lumayo na siya rito.

O, di ba, nakipagsabayan ang reporter sa kaganapan sa stage?

Louise pikon na kay Sarah

Pissed off pa rin si Louise delos Reyes sa isyu sa kanila ni Sarah Lahbati nang makausap namin ito sa presscon ng The Road  at pati kay Sarah nag-react siya dahil ito pa raw ang nagtanong sa kanya sa launching ng Profile magazine kung galit sa kanya dahil sa tsikang si Sarah ang rason ng break-up nila ni Enzo Pineda.

“Hindi ko maiwasang ma-offend dahil bakit ‘yun ang tinanong ni Sarah? Ang alam ko, iba ang pag-uusapan namin. Siguro pati siya na-offend dahil pangit sa babae ang maging reason ng break-up. Awkward sa akin ‘yun and up to now, wala pa ka­ming chance magkausap ni Sarah,” sabi ni Louise.

Nilinaw din ni Louise na hindi sila hiwalay ni Enzo dahil hindi naman sila (hohum!), kaya hindi dapat itinanong ni Sarah ‘yun.

Naku, makapunta nga sa taping ng Kokak para ma-interview si Sarah!

Samantala, proud si Louise na mapasama sa cast ng The Road na showing sa November 30.

Hindi siya mahilig sa horror movie, pero nalilinya sa horror dahil after The Road ng GMA Films, nasa Shake, Rattle & Roll ng Regal Entertainment Inc siya. 

Protégé nakikipagsabayan sa Survivor

Nakikipagsabayan ang Protégé sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown sa pagiging controversial.

Fifth elimination night mamaya na gagawin sa SM Fairview at may chance ang judges na sagutin ang akusasyon nina Kenneth at So Wat? Guest judge pa rin si Eula Valdez at nangangamoy wild card night din ito.

vuukle comment

COGIE DOMINGO

DAHIL

ELAINE LOZANO

ENZO PINEDA

I LOVE YOU

MELISSA MENDEZ

NIYA

SARAH

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with