KC Concepcion kakanta sa SEA Games
MANILA, Philippines - Matapos ang kanyang matagumpay na US concert tour kasama sina Piolo Pascual at Yeng Constantino, handang-handa na si KC Concepcion na mag-perform sa pinaka-aabangang opening ceremonies ng ika-26 na Southeast Asian Games sa Palembang, Indonesia. Kakantahin niya ang Together We Will Shine, kasama ang Indonesian actress-singer na si Agnes Mojica at biriterang si Jacklyn Victor sa Malaysia. Kasalukuyan nang nag-eensayo si KC sa Indonesia. Tunghayan ang kapana-panabik na opening ceremonies ng 26th SEA Games, live sa Studio 23, 8 p.m., ngayong Biyernes (Nov. 11).
- Latest




















