^

PSN Showbiz

Piolo dumayo sa Japan para sa X-mas ID ng Dos

-

MANILA, Philippines - ‘Da Best’ ang pagdiriwang ng Pasko ng mga Pinoy saan man sa mundo kaya naman ipagmamalaki na ng mga Kapamilya star ang tatak at tunay na diwa ng Paskong Pinoy sa ilulunsad na Christmas Station ID ngayong Huwebes (Nov 10) pagkatapos ng TV Patrol.

Mula sa lechon Cebu, bibingka’t puto bumbong, misa de gallo, at mga nagkikislapang parol, dala ng ABS-CBN Christmas SID ang mga tradisyong talaga namang Pinoy na Pinoy. Hindi lamang pagdiriwang sa Luzon, Visayas, at Min­danao ang ipapamalas dahil susulyapan din nito kung paano mag-celebrate ang mga Pinoy sa United States, London sa Europa, sa Middle East, at maging sa Tokyo, Japan.

Dadamayan ni Piolo Pascual ang isang kababayan sa Shibuya Crossing sa Tokyo, Japan habang sina John Lloyd Cruz, Coco Martin, Kathryn Bernardo, at Julia Montes ay sosorpresahin ang isang pamilyang Pinoy sa Los Angeles, California. Haharanahin naman ni world champion Jed Madela, unang Star Power Female Pop Superstar Angeline Quinto, at Pilipinas Got Talent Season 2 Champion Marcelito Pomoy ang isang Filipino community sa L.A.

Sinulat ni Creative Communications Management head Robert Labayen ang theme song na Da Best ang Pasko ng Pilipino habang ang musika ay nilikha ni Jimmy Antiporda ng Star Records. Ito ay inawit ng 11 taong gulang na Fil-Canadian YouTube sensation na si Maria Aragon kasama ang University of the Philippines Concert Chorus at siyempre pa ang mahigit isang daang Kapamilya stars mula sa ABS-CBN Entertainment at News and Current Affairs, Regional Network Group TV personalities, ANC at DZMM anchors; Tambayan 101.9 DJs pati na rin ng mga Kapamilya mula sa iba’t ibang Filipino Community worldwide.

Sabay din itong ipapalabas sa Studio 23, Hero TV, Lifestyle Network, Velvet, Cinema One, DZMM TeleRadyo, ANC, MYX, Balls, at maging abroad via The Filipino Channel, ang hudyat sa pagsisimula ng ABS-CBN Christmas campaign para sa taong 2011. Kasabay nito ang pagbebenta ng parol, pagkakaroon ng Kapamilya Simbang Gabi, text promo, at interactive online games.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

CHRISTMAS STATION

CINEMA ONE

COCO MARTIN

CREATIVE COMMUNICATIONS MANAGEMENT

DA BEST

FEMALE POP SUPERSTAR

FILIPINO CHANNEL

KAPAMILYA

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with