^

PSN Showbiz

Isabelle takot makasama si Robin!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Kahapon ang first shooting day ng pelikulang Mr. Wong na entry ni Robin Padilla sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at co-produced ng Regal Entertainment, Inc. Nabalita ring si Isabelle Daza ang leading lady ng movie, pero ang tsika sa amin, as of last Tuesday, hindi pa ito pumapayag na gawin ang movie.

Hindi sa ayaw ni Isabelle kay Robin, takot lang itong umarte at baka pintasan siya. Suwerte si Isabelle kung gagawin ang Mr. Wong dahil pang-MMFF na, si Robin pa ang kapareha niya.

For somebody na takot umarte, puro acting ang ginagawa ni Isabelle lately dahil after mag-guest sa Futbolilits, guest siya sa Tween Hearts as the sexy P.E. teacher. Ang ayaw lang ng dalaga sa acting ay ang matagal na paghihintay sa taping.

Kung natuloy si Isabelle sa movie, ka-level na siya nina Solenn Heussaff at Lovi Poe na pare-parehong talents ni Leo Dominguez at may mga pelikula rin sa MMFF.

Romnick ayaw magpulitika dahil kay Herbert

Kantiyaw sa mga anak ang inabot ni Romnick Sarmenta nang malaman ng mga bagets na pari ang role niya sa Iglot  dahil may tattoo siya sa braso. Paano raw naging pari ang isang may tattoo? Fortunately, natatakpan ng suot niya ang mga burda at dahil magaling na artista, keri ng aktor ang kanyang karakter.

Malaking tulong din na active Catholic sila ni Harlene Bautista at sakop sila ng ELIM Catholic Community. Kesa mag-pulitika, active sa church nila ang mag-asawa at involved pa sa Alay Kay Ina Foundation ang misis.

Malinaw ang usapan nila sa pamilya na habang nasa puwesto si QC Mayor Herbert Bautista, wala sa kanila ang papasok sa pulitika at ayaw din niya. 

“I want the privacy and security of my children. ’Di ko kayang sakyan ang pulitika. Si Kuya Herbert lang para walang masabi ang tao. Aside from showbiz, may travel agency at bike shop kami. Tama na ’yun sa akin,” sabi ni Romnick.

Sa Iglot lang uli nagkasama sina Romnick at Eddie Garcia after a long time sa Seiko Films at laging masarap itong kaeksena dahil magaling, professional, disiplinado, prepared, at seryoso sa trabaho.

Alaga ni Jaya tamad maligo!

Nagrereklamo ang mga viewers ng Inside Protégé  sa pagpu-focus ng show sa love angle ng protégés. Pinalaki raw ang crush ni Nomer Limatog na manok ni Rachelle Ann Go kay Denise Barbacena na alaga ni Gloc 9.

Ang kasunod ay ang pagkakaroon ng crush ni San­der ng So Wat? kay Jensen Te­oso na protégé ni Claire dela Fuente na hindi nito nagugustuhan.

Isyu rin ang pagiging gay daw ni Kenneth Monico na alaga ni Jay-R, pero ang mas malaking isyu para sa amin ay ang katamarang maligo ni Lovely Embuscado, manok ni Jaya. Mabuti hindi nababahuan sa kanya ang mga kasama?

Idinulog din ni Jaya si Lovely sa pyschiatrist dahil sa mga ikinikilos nito. Ang findings ng doktor, takot lang maalis sa contest ang dalagita dahil natikman ang masarap na buhay sa Protégé quarters.

Naku, paano kung siya ang unang maalis sa first elimination night sa Sunday? Magwala kaya ang bagets?

vuukle comment

ALAY KAY INA FOUNDATION

CATHOLIC COMMUNITY

DAHIL

DENISE BARBACENA

EACUTE

EDDIE GARCIA

HARLENE BAUTISTA

JAYA

MR. WONG

ROMNICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with