^

PSN Showbiz

Jake napansin agad

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Salamat sa Philippine Movie Press Club (PMPC) dahil pinili nilang bigyan ng award ang alaga kong si Jake Vargas bilang best new male recording artist for 2011 sa Star Awards For Music.

Hindi ko ito ini-expect dahil marami siyang kalaban, pero umasa ako. Katuwiran ko naman maganda ang sales ng first album niya at naglabas pa ang Dyna Music ng karagdagang kopya ng album lalo na nang ginawa ng theme song ng mga Korea­novela ang ilang awitin sa album.

Mas lalo itong magpupursigi para mas sumikat pa at mapagaling ang kanyang sarili.

Guy napaiyak  nina Jed at Angeline

Magaling pala si Angeline Quinto. Para ring si Nora Aunor na sobra sa pagkamahiyain. Sana magamot niya ito, si Nora kasi hanggang ngayon ay shy pa rin. Kapag natanggal ang pagkamahiyain ni Angeline, mas lalo siyang sisikat.

Maganda ’yung tribute na ginawa nila ni Jed Madela para kay Guy. Naiyak tuloy ito. Eh si Guy matapang naman ’yan, bihirang umiyak, pero umiyak siya nung Linggo. Buti na lang hindi nabura ang make up niya.

Dingdong at Marian  sa ’Pinas magpapakasal

Hindi naman ako maniwala na magpapakasal na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ngayon. Maganda pa ang career nila at marami pang commitments na dapat tapusin. Hindi naman porke pupunta sila ng Las Vegas with their families ay magpapakasal na sila.

Baka naman nag-i-enjoy lang silang magkakasama. Kung magkakaroon man ng kasalan, tiyak dito ’yun magaganap at hindi sa abroad.

Julie Ann produkto rin ng Little Miss Philippines

Produkto pala ng Little Miss Philippines si Julie Ann San Jose.  Nag-aral din ito ng voice sa Center For Pop Music at marunong tumugtog ng piano at gitara. Ang mga tulad niya ang may K mag-showbiz kaya sana huwag siyang ma-intimidate sa sinasabing pag-ayaw sa kanya ng madir ng ka-love team niyang si Elmo Magalona.

Fans naman ang gumagawa ng kanilang love team, hindi siya mismo. Sana panatilihin niyang professional ang team-up nila. Huwag muna siyang mai-in love para ’di siya ma-hurt.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

CENTER FOR POP MUSIC

DINGDONG DANTES

DYNA MUSIC

ELMO MAGALONA

JAKE VARGAS

JED MADELA

JULIE ANN

JULIE ANN SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with