^

PSN Showbiz

Tattoo ng mag-dyowang bagets, ipinagkatagu-tago!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nakita namin ang Kapuso young actor na sinasabing sabay na nagpa-tattoo ng kanyang girlfriend na Kapamilya talent. Nag-effort talaga kami na tingnan ang mga braso nito at ibang exposed na parte ng katawan para masilip ang sinasabing tattoo pero epic fail kami. Hahaha!

Hindi na namin tinanong ang young actor kung totoo ang tattoo issue dahil tiyak na magdi-deny. Wala pa itong inaaming relasyon nila ng young actress kahit madalas silang makitang magkasama.

Pasasaan ba’t mabubuking din kung talagang may tattoo ang young actor at ang kanyang GF. Lilitaw din ang tattoo na ’yan. Hmmp!

Joyce ayaw matulad sa nangyari kina Sunshine at Angelika

Sobrang tuwa ng magka-love team na Kristoffer Martin at Joyce Ching nang makita ang malaking litrato nila sa tarpaulin ng Ikaw Lang ang Mamahalin na nakasabit sa presscon ng soap. Doon lang nila na-confirm na bida na rin sila kasama sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio.

Sixteen weeks tatakbo ang Ikaw Lang ang Mamahalin na magsisimula bukas. Malaking tulong ito kay Kris para matupad ang Christmas wish na makabili ng sasakyan para hindi na siya nagta-taxi o nakikisakay sa service car ng GMA 7 papuntang taping.

Wish din ni Kristoffer na makapag-date sila ni Joyce sa Enchanted Kingdom with their parents.

Isabel at Gab nagbi-baby talk

Sina Veronique del Rosario-Corpus at Becky Aguila pala ang mga managers ni Isabel Oli at parehong three years ang pinirmahan niyang kontrata sa kanila. Pero mananatili sa GMA 7 ang aktres dahil may three-year network contract pa and in fact, nasa cast siya ng Daldalita.

Happy si Isabel sa nangyayari sa kanyang career pero malungkot pa rin dahil nananatiling comatose ang ama almost three months na. Kuwento ni Isabel, kumuha sila ng three nurses na mag-aalaga sa ama at ang mga kapatid sa Singapore at Cebu ay madalas dumalaw sa ama.

Inusisa namin si Isabel kung bakit “Putput” ang term of endearment nila ng boyfriend niyang si Gab Valenciano at simpleng “baby talk namin,” ang sagot.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

BECKY AGUILA

ENCHANTED KINGDOM

GAB VALENCIANO

IKAW LANG

ISABEL OLI

JOSHUA DIONISIO

JOYCE CHING

KRISTOFFER MARTIN

MAMAHALIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with