^

PSN Palaro

Fajardo, Bolick at Holt agawan sa BPC award

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa lamang kina seven-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel, NLEX scoring machine Robert Bolick at Terrafirma rookie Stephen Holt ang tatangghaling Best Player of the Conference ng Season 48 PBA Philippine Cup.

Ihahayag ngayon ang gagawaran ng nasabing highest individual award sa Game Four ng best-of-seven championship series ng Beermen at Meralco Bolts sa Smart Araneta Coliseum.

Humakot ang 6-foot-10 na si Fajardo ng 43.12 statistical points para ungusan si Bolick (43.08 statistical points) sa No. 1 spot sa BPC race.

Kumamada ang 34-anyos na si Fajardo ng mga averages na 17.3 points, 14.5 rebounds at 3.1 assists sa kanyang paggiya sa San Miguel sa 4-0 sweep sa Rain or Shine sa best-of-seven semifinals duel.

Hangad ni Fajardo ang kanyang ika-10 BPC trophy at pang-walo sa Philippine Cup.

Nanguna naman si Bolick sa scoring sa kanyang 28.3 points para sa Road Warriors bukod sa 5.2 rebounds at 6.5 assists.

Hindi rin nagpahuli si Holt na may 40.8 statistical points mula sa mga ave­rages na 21.08 points, 8.1 rebounds, 6.3 assists at 2.4 steals para sa pagpasok ng Dyip sa una nilang playoffs appearance sapul nang sumali sa PBA noong 2016.

Ang 2023 PBA Draft top pick ng Terrafirma ang leading candidate para sa Rookie of the Year award. 

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with