^

PSN Showbiz

Asawa ng aktor nanlalaki!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

May pinagdaraanan na mabigat na problema ang aktor pero ayaw niya na magsalita dahil hindi siya sanay na pinag-uusapan ng publiko ang kanyang personal life.

Hiwalay na ang aktor sa kanyang misis at masakit ito dahil may third party sa panig ng girl.

Kasal ang aktor at ang girl. Wala nang chance na magkabalikan sila dahil ongoing ang annulment case nila. Hurt ang aktor dahil ibinigay niya ang lahat ng klase ng pagmamahal pero binalewala ito ni misis na na-in love sa iba.

Nagbunga…

Parang ang dami-daming nakapanood ng pilot episode ng Sa Ngalan ng Ina noong Lunes ng gabi.

Naiyak sila sa unang episode ng mini serye ng TV5 at iyon ang usap-usapan ng mga kakilala ko.

At least, nagbunga ang bonggang promo ng Kapatid Network sa kanilang mini serye na isang buwan lang ang itatagal sa ere dahil mini serye nga.

 Pinanood ko ba ang Sa Ngalan ng Ina? Hindi ang aking honest na sagot dahil baka ma-hook ako sa panonood at ito ang maging dahilan para mapuyat-puyat ako.

Irereserba ko na lang ang energy ko sa panonood ng Glamorosa, ang upcoming teleserye ni Lorna Tolentino sa TV5.

Maricel nasa mabuting kamay

 Natuwa ang mga fans ni Maricel Soriano dahil ready na ito na humarap sa camera.

Matagal na nawala si Maricel dahil sa kontrobersiya na kinasangkutan niya at ng kanyang mga dating kasambahay.

Wala pang closure ang kaso dahil pinili ni Maricel na manahimik.

Si Mama Malou Fagar pa rin ang manager ni Maricel at sila ang magkasama sa story conference ng pelikula na gagawin niya sa Regal Entertainment, Inc.

In good hands si Maricel dahil si Mama Malou ang kanyang manager. Love ng press si Mama Malou dahil mahusay itong makisama.

Cong. Roman nag-iipon ng lakas ng loob?

Hindi matutuloy ang meeting namin bukas nina Congressman Roman Romulo at Shalani Soledad dahil may conflict sa aming schedule.

Nagkasundo kami na i-postpone for next week ang aming pagkikita. Nag-iipon pa kaya si Papa Roman ng lakas ng loob na ma-meet ako?

Carlos isang taong nakipag-dyowa NG bading

 Natawa ako sa dialogue ni Carlos Agassi na inamin niya ang pagkakaroon ng gay experience dahil ngayon lamang nagtanong ang entertainment press.

 So, ang mga reporters pa pala ang may diperensiya dahil hindi nila agad tinanong si Carlos?

 Hindi basta gay experience ang pinagdaanan ni Carlos dahil tumagal ng isang taon ang pakikipagrelasyon niya sa bading.

 Para tumagal ang kanilang relasyon, parang inamin na rin ni Carlos na minahal niya ang mabait na bading.

Aktor na barako sa teleserye may karelasyon ding bakla

May kilala ako na aktor na may karelasyon na bading. Ang pagkakaiba lang, bading din ang aktor as in nakatago pa ito sa closet.

Walang balak ang aktor na isapubliko ang tunay na sexual preference. Afraid siya na mawala ang kanyang showbiz career. Hindi rin siya ready na gumanap sa gay role kaya paninindigan muna niya ang pagiging barako sa mga teleserye.

vuukle comment

AKTOR

CARLOS AGASSI

CONGRESSMAN ROMAN ROMULO

DAHIL

INA

MAMA MALOU

MARICEL

SA NGALAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with