^

PSN Showbiz

Anne ipinasilip ang boobs sa album!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Cover pa lang ng album ni Anne Curtis na Anne…Bisyosa under Viva Records ay panalo na at mas maiengganyo ang mga male fans niyang bumili. Nasisilip sa suot na damit ng actress-recording star ang kanyang boobs.

Dream come true kay Anne ang album na matagal niyang ni-request kay Mr. Vic del Rosario at kagabi ang launching ng album sa Glorietta Activity Center. Ang tawag ni Anne sa launching ay mini-concert niya. May duet sila ni Sarah Geronimo sa album at bukas ang TV launch sa ASAP Rocks.

Sabay ang promo ni Anne ng kanyang album at movie nila nina Derek Ramsay at Cristine Reyes na No Other Woman showing sa Sept. 28, sa direction ni Ruel Bayani. Seksing Anne ang mapapanood at mainit ang love scene nila ni Derek.

Nora pipirma ng tatlong taong kontrata sa TV5

Bago tinapos ang presscon sa special screening ng Sa Ngalan ng Ina na pilot sa Oct. 3, ibinalita ni Nora Aunor na baka pumirma siya ng three-year contract sa TV5. “Happy ako sa kanila, walang ibang network na nag-alaga at nag­­­pakita ng kanilang pagmamahal sa akin. Wala akong reklamo at parang isang pamilya kaming nag­ta­­trabaho,” rason ni Guy sa kanyang pagpirma ng konrata.

Nabanggit din nitong may pinaplano ang Regal Entertainment, Inc. na movie nila nina Christopher de Leon at Tirso Cruz III, pero gagawin niya ito pagbalik na niya. After her commitment, balik States muna siya para magpa-opera ng kanyang throat sa Boston pero tiniyak ang pagbabalik dahil sa mga bagong projects.

    

vuukle comment

ANNE CURTIS

CRISTINE REYES

DEREK RAMSAY

GLORIETTA ACTIVITY CENTER

MR. VIC

NO OTHER WOMAN

NORA AUNOR

REGAL ENTERTAINMENT

RUEL BAYANI

SA NGALAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with