^

PSN Showbiz

Pinoy nagwaldas para sa Miss U

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Talagang pagdating sa beauty contest, tumututok sa panonood ang mga Pilipino. Wala yatang TV set ang hindi nakatunghay sa ginanap na Miss Universe 2011 nung Martes ng umaga. Sure ako na kumita na naman ang lahat ng istasyon sa TV na may coverage nito.

Hats off din ako sa mga kababayan natin pagdating sa text votes. Kahit gaano tayo kahirap, palaging may load tayo na isini-share sa sinumang nangangailangan, sa kaso kahapon, sa ating Bb. Pilipinas na si Shamcey Supsup. Sayang nga lamang at sa simula pa, nung piliin ang top 16 finalists ay marami na ang nakatunog na mananalo si Miss Angola. Siya o si Miss Ukraine, kahit mas nakalamang sa beauty at intelligence si Miss Philippines.

Sana rin ay mailagay natin sa New Seven Wonders of the World ang isang underwater cave sa Palawan na kasama sa pinagpipilian. Text votes lang ang kailangan, kaya patatalo ba tayo? 

Regal sigurado na kina Nora, Maricel at Gabby

O, tingnan mo nga naman, napapayag ni Mother Lily Monteverde na lumabas muli sa pelikula ang mga dating Regal Babies niya na sina Maricel Soriano at Gabby Concepcion. Excited ang matriarka ng Regal dahil malalaking artista ang gaganap sa mga pang-MMFF entries niya. Napapayag na rin kasi niya si Nora Aunor. Ngayon pa lamang, sumisigla na ang MMFF. At least nga naman kahit kokonti ang mga napo-prodyus na pelikula, pagdating sa MMFF, pinaka-magaganda at malalaki ang mapapanood.

Mike matagal ang ipinaghintay

Mabuti naman at nabigyan ng kinakailangan niyang break ng GMA ang Starstruck winner nilang si Mike Tan sa Kung Aagawin Mo Ang Langit. Kasama niya sa cast sina Carla Abellana, Michelle Madrigal, at Will Devaughn.

Matagal din ang ipinaghintay ni Mike bago siya kinasihan ng kapalaran. ‘Yung mga kasabayan niya ay matagal nang nagbibida, siya ngayon lamang. Pero happy na rin siya na makagawa ng isang serye na kung saan talagang bida siya. 

vuukle comment

CARLA ABELLANA

GABBY CONCEPCION

KUNG AAGAWIN MO ANG LANGIT

MARICEL SORIANO

MICHELLE MADRIGAL

MIKE TAN

MISS ANGOLA

MISS PHILIPPINES

MISS UKRAINE

MISS UNIVERSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with