^

PSN Showbiz

Pacquiao nangako ng panalo!

-

MANILA, Philippines - Dinumog ng halos 75,000 na tao ang Quirino Grandstand para matung­hayan ang anunsiyo ng pinaka-aantay na pangatlong paghaharap sa pagitan ng iconic Filipino fighter Manny “Pacman” Pacquiao at Mexicanong boksingero na si Juan Manuel Marquez na nakatakdang tumapos sa kanilang “unfinished business ” pati na ang pledge of sportsmanship na pinangunahan ni Top Rank CEO at Hall of Fame promoter Bob Arum sa engrandeng face-off sa opening ng kanilang world media tour na ginanap nitong Sept. 3 na hatid ng GMA Network.

Ang World Press Tour 2011 Pacquiao-Marquez special, na umere pagkatapos ng noontime variety program na Eat Bulaga, ay nanalo laban sa counterpart programs ayon sa Nielsen Mega Manila overnight household ratings.

Sa panayam sa dalawang boksingero na pinangunahan nina GMA news pillar Arnold Clavio at sportscaster Chino Trinidad, nangako si Pacquiao na magpapakitang gilas para maiuwi ang 144-pound world championship title. 

Aniya tungkol kay Marquez, “Talagang matibay din si Marquez, magaling din na boksingero.”

Ayon kay Pacquiao, papawiin ng kanilang susunod na laban ang mga alinlangang nabuo sa kanilang controversial draw sa unang laban noong 2004, at sa mahigpit na 12-round fight sa kanilang pangalawang paghaharap noong 2008. Dagdag pa niya, “Sana mag-ensayo siyang mabuti. Mag-eensayo rin akong mabuti para magandang laban ang maipakita natin.”

Samantala, sabi ni Marquez na masayang-masaya siya dahil tinanggap ni Pacman ang kanyang hamon, kahit nakatuon ang kanyang pansin para masungkit ang panalo.

Sabi niya kay Pacquiao, “You fight with your heart. I like fighting with my heart and people watching two warriors on the ring.” Kahit lumalaban siya para sa kanyang bansang Mexico, inamin na mahal niya ang mga Pilipino. 

Ayon kay Arum, makikilala ang pinakamagaling na manlalaro sa laban sa Nov. 13.

 Namahagi rin ang game show ni Pacquiao na Manny, Many Prizes (MMP) ng mga papremyo at P1 million bilang jackpot prize sa masuwerteng Kabitenyo na si Villovic Ramos. Matapos ang contractual pay, malaki na ang pag-asa ni Ramos dahil sa premyong napanalunan sa GMA program. 

Subaybayan ang iba pang sorpresa sa game show na umeere tuwing Sabado, 6:00 p.m. Ang susunod na episode ng MMP ay matutunghayan mula sa hometown ng mabuting congressman, Sarangani province.

Anyway ang tinaguriang fight of the century na katatampukan ng mga pambato sa boxing ay mapapanood sa Nov. 13 (Philippine time) sa Channel 7 at radio station Super Radyo DZBB.

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

AYON

BOB ARUM

CHINO TRINIDAD

EAT BULAGA

HALL OF FAME

JUAN MANUEL MARQUEZ

MANY PRIZES

MARQUEZ

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with