^

PSN Showbiz

Showbiz Central nagka-tension dahil kay Angelica Jones

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nagkaroon pala ng tension sa Showbiz Central last Sunday. Na-tweet ni Claudine Barretto na guest co-host that time, hindi nagustuhan ng mother ni Angelica Jones ang interview ni Pia Guanio sa anak, kaya hiniling na ulitin ang interview kay Angelica. Hindi lang na-elaborate ni Claudine sa sinabing “nagkagulo sa backstage.”

Pinagbigyan ang request ng mother ni Angelica at inulit ang interview sa anak at si John Lapus na ang nag-interview.

Tiyak na ipalalabas sa Sunday ang second part ng interview kay Angelica.

Jericho hindi naramdaman ang Hurricane Irene

Nasa New York si Jericho Rosales nang bumisita ang Hurricane Irene at sa tweet nito, hindi naman ganun kagrabe ang nangyari at mas malala pa rin noong magka-Ondoy sa Metro Manila. Kahit binagyo, memorable pa rin sa kanya ang one-month intense program na kinuha at nagbabalak itong bumalik next year.

Na-text ni Angeli Pangilinan-Valenciano na pagbalik ni Jericho sa first week ng September, dala nito ang certificate for film acting mula sa New York Film Academy sa short-term course na kinuha ng aktor ng whole month of August.

Sa kanyang pagbabalik, gagawin ni Jericho sa Regal Entertainment, Inc. ang Yesterday, Today, and Tomorrow. First movie niya ito sa Regal kasama sina Lovi Poe at Carla Abellana at posibleng si Dennis Trillo. Si Jun Lana pa rin ang direktor ng December filmfest entry.

Artista at singer nag-a-unfollow ng press kapag nakakanti

May bagong paraang makaganti ang ilang artista at singer na hindi nagugustuhan ’pag nakakanti sila ng press. Hindi sa text at e-mail nila idinadaan o ipinaparating sa press ang tampo o galit, ina-unfollow nila sa Twitter. Hahaha!

Biktima ang kaibigan naming reporter sa bagong sistemang ito mula sa isang aktres at isang singer na matagal na niyang mga kakilala at tinulungan pero dahil sa tweet niya, bigla siyang na-unfollow.

Sa kaso ng aktres, hindi binanggit ng reporter ang pangalan nito. Pinuri lang si Dingdong Dantes na nagpasalamat sa naitulong ng press noong birthday niya last year. Akala ng aktres, pinatamaan siya ng reporter, kaya ayun, tinanggal siya sa list.

Sumunod ang sikat na singer na pinuna lang na hindi sumagot nang i-DM (direct message). Nang sumagot, nag-offer na padalhan ng latest album niya ang reporter na tinanggihan nito at ang ganti ng singer, ganun din, ’di na nag-follow. Nalungkot ang reporter pero at least ay nalaman niya ang totoong kulay ng dalawa.

vuukle comment

ANGELI PANGILINAN-VALENCIANO

ANGELICA JONES

CARLA ABELLANA

CLAUDINE BARRETTO

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

HURRICANE IRENE

JERICHO ROSALES

JOHN LAPUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with