^

PSN Showbiz

Calayan dapat magpaliwanag!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Nalulungkot naman ako kung totoo ang balitang pinaghahanap sa US ang mag-asawang Drs. Manny at Pie Calayan dahil wala yatang lisensiya ang itinayo nilang klinika roon? Mahirap paniwalaan dahil alam ko kung gaano kahigpit ang mga tao at regulasyon sa US. Bakit at paano sila nakalusot, baka naman may ibang kaso kaysa sa hindi pagkakaroon ng lisensiya?

Sana magkaroon ito ng linaw sa atin para hindi naman maapektuhan ng lubusan ang kanilang negosyo na matagal din nilang pinaghirapan.

Nagkimkim ng sama ng loob?

Ngayon ko rin lang nalaman na nagkimkim pala ng tampo si Cesar Montano sa ginawang paglilipat ng araw ng kanyang Andres de Saya para i-accommodate ang game show ni Manny Pacquiao na Manny Many Prizes. Ni hindi ba siya na-inform? Eh, magtatampo nga siya.

Is this the reason why Cesar is transferring to TV5? Eh, nakipag-usap din naman kaya si Cesar sa management to inform them of his decision to transfer? 

Napaka-sweet…

Napaka-sweet naman ni Michelle van Eimereen at ng dalawa nilang anak ni Ogie Alcasid na sina Leila at Sarah dahil ipinamili nila ang isisilang ni Regine Velasquez na mga baby dresses.

Sina Ogie at Michelle ang maituturing ko na napaka-ideyal na naging mag-asawa at naging magkaibigan nang magkahiwalay. Hindi lang sila nag-move on, parang isang pamilya na rin sila ngayon. 

vuukle comment

ANDRES

CESAR MONTANO

MANNY MANY PRIZES

MICHELLE

NAPAKA

OGIE ALCASID

PIE CALAYAN

REGINE VELASQUEZ

SINA OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with