^

PSN Showbiz

Yeng hahataw sa Rak En Rol

-

MANILA, Philippines - Sa umpisa ng taong 2011, humataw agad si Yeng Constantino - limang parangal na agad ang kanyang naiuwi - Favorite Female Artist, Favorite MYX Celebrity VJ, Favorite Music Video at Favorite Song mula sa MYX Music Awards. Lahat ng kanyang naipanalo ay mula sa isa sa kanyang masterpieces na Jeepney Love Story na kabilang sa kanyang pangatlong album na Lapit (ang album na nanalo rin bilang Album of the Year sa 2010’s Star Awards for Music). Naging Favorite Collaboration din ang kanyang awiting Kung Wala Ka Na kasama si Tutti Caringal at Kian Cepriano.

Ngayon isang bagong album entitled Yeng Versions Live mula sa Star Records ang ilo-launch ni Yeng ngayong buwan na muling magpapatunay sagaling ni Yeng bilang isang kompositor at mang-aawit.  

Ang singer at composer ng Ikaw Ang Magic ng Buhay Ko (opisyal na Star Magic music video song) ay muli ring magbabalik sa isang major concert.

Maki-jam kay Yeng sa Rak en Rol Jamming With Yeng Cons­tantino sa Aliw theater ngayong darating na August 5, 2011.

Makakasama niya sa concert ang kanyang Music Uplate Live co-host na si Tutti Caringal, Gloc 9, Raymond Marasigan, ang Rockoustic Heartthrob na si Sam Milby at marami pang surprise guests.

Ang Rak en Rol Jamming with Yeng Constantino ay produced ng RRJ, Recording Breaker Events at Star Events.

Para sa tickets, tumawag sa Ticketworld (tel. no. 891-9999) at SM Tickets (tel no. 470-2222).

vuukle comment

ALBUM OF THE YEAR

ANG RAK

BUHAY KO

FAVORITE FEMALE ARTIST

FAVORITE MUSIC VIDEO

FAVORITE SONG

IKAW ANG MAGIC

TUTTI CARINGAL

YENG

YENG CONSTANTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with