^

PSN Showbiz

Michelle Madrigal type maging kusinera

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Isa pang artista na interesadong matutong magluto professionally ay si Michelle Madrigal. Kaya nga nag-enroll ito sa isang sikat na culinary school. French and European dishes ang gusto niyang matutunan. Kahit nakakailang linggo pa lamang siya ay marami na siyang natututunan na mahahalagang bagay sa pagluluto na dati ay hindi niya inakalang kailangan niyang pag-aralan. Tulad ng pagpili ng mga fresh na sangkap.

 “Ito pala ang sikreto ng isang masarap na pagkain. If I want to be a real chef, kailangang marunong akong tumingin ng fresh ingredients, ‘di lang meat, pati na rin, fish, and poultry. Mahirap pero, enjoy,” sabi niya.

Ali Sotto maraming puwedeng ibahagi

Mabuti naman at may bago na namang palabas si Ali Sotto. Ang katulad niyang ma­galing na host ay ‘di dapat nawawalan ng programa. Mapa-radyo man o TV marami siyang maibabahagi sa mga manonood at tagapakinig na mahahalagang impormasyon.

Cesar tapos na ang problema

Kahit pala wala na sa poder niya ang anak ni Cesar Montano na si Diego Loyzaga, patuloy ang komunikasyon nila. Hindi hadlang ang pagtira ng binata sa bahay ng tiyahin nitong si Bing Loyzaga para magkalimutan na sila.

Patuloy pa ring inaalam ng ama ang kalaga­yan ng kanyang anak. Bilang tulong para mabilis itong makapunta sa kanyang places of work, ibi­nili ito ni Cesar ng sasakyan.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Sunshine ang ginagawa ng kanyang asawa para sa anak nito. Ever since naman ay naging supportive stepmom siya sa mga anak ng kanyang mister.  

Reaction ni Mega sa kasalang Piolo-KC hinihintay

Ano mag-aasawa na raw sina Piolo Pascual at KC Concepcion? Tingnan mo nga naman at magkakatuluyan pala sila. Akala ko hanggang sa boyfriend girlfriend lamang sila, ‘yun pala may plano silang maging Mr. & Mrs.

Well, congratulations sa kanila. Hindi pa naman daw ngayon pero pasasaan ba’t matutuloy din ‘yan.

Pero bakit naman sa abroad n’yo balak magpakasal?

I’m sure madi-disappoint ang marami nilang fans.

Teka ano nga ba ang reaction dito ni Megastar Sharon Cuneta?

vuukle comment

ALI SOTTO

BING LOYZAGA

CESAR MONTANO

DIEGO LOYZAGA

FRENCH AND EUROPEAN

IF I

KAHIT

MEGASTAR SHARON CUNETA

MICHELLE MADRIGAL

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with