^

PSN Showbiz

Bagets na kundiman singer wagi sa Talentado

-

MANILA, Philippines - Muli na namang nagtanghal ng panibagong Hall of Famer ang pinakama­lawak na talent search ng bansa, ang Talentadong Pinoy ng TV5. Noong Linggo ay idineklara si Melbelline bilang ikalawang Hall of Famer ng kasalukuyang season ng naturang show, matapos ang walong panalo laban sa iba’t ibang naggagalingang talentado.

Si Melbelline Ann Caluag ay labintatlong taong gulang na tubong Guiginto, Bulacan na nagpamalas ng kakaibang husay sa pagkanta ng kundiman. Sa kanyang unang pagkanta ng Ang Maya sa Talentadong Pinoy, naantig niya ang damdamin ng apo sa tuhod ng original singer nito na si Maria Carpena. Dahil dito, gumawa ito ng paraan upang makilala ng personal si Melbelline. Noon din nila nadiskubre na ang Maria Carpena doll na inukit ni Ding Dans ng Paete, Laguna ay may pagkakahawig kay Melbelline. Sinasabi rin nang tanghaling ikalawang Hall of Famer si Melbelline, halos pareho ang damit at ayos nito sa naturang manika.

vuukle comment

ANG MAYA

BULACAN

DAHIL

DING DANS

HALL OF FAMER

MARIA CARPENA

MELBELLINE

MELBELLINE ANN CALUAG

NOONG LINGGO

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with