^

PSN Showbiz

Gov. Vi ibinuking na emotional at taranta si Luis sa pag-ibig

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Maiksi ang reaction ni Batangas Gov. Vilma Santos sa Twitter word war ng mag-ex na sina Angel Locsin at Luis Manzano na mabuti’t hindi gaanong lumaki at hindi nagtagal. Nang mag-tweet si Angel kay Luis na tigilan ang pagti-text at pang-aaway sa kanya, agad nag-tweet ang binata at humingi ng tawad at ‘dun nagtapos ang isyu.

Sabi ni Gov. Vi sa text message niya kay Dinno Erece: “May sariling isip na at desisyon ang anak ko! Mabait si Luis!!! Emotional at taranta lang talaga pagdating sa pag-ibig!! ‘Wag sanang husgahan.”

Dahil tapos na ang Angel-Luis issue, makakapag-concentrate na ang una kay Phil Younghusband at ang huli kay Jennylyn Mercado na bumalik na from the States.

Kris at Lucy mamimigay ng school supplies

Sa Friday naka-schedule pumunta ng Ormoc si Kris Aquino para tuparin ang pangako noong kampanya ni P-Noy na babalik siya para mamigay ng school supplies sa school children. Sasamahan siya ni Cong. Lucy Torres-Gomez na mag-distribute ng school supplies at mga sabon.

Wala pang schedule si Kris ng shooting nila ni Dingdong Dantes ng movie nilang Segunda Mano. Sabi nito nang dumalaw kami sa Kris TV, magsu-shoot si Direk Joyce Bernal this July kahit isang araw lang dahil ayaw nilang mag-shoot sa August na ghost month at iniiwasan ng lahat ng movie producers.

Sen. Bong ayaw mag-asawa ng apat

Nakita namin sa GMA Studio si Sen. Bong Revilla at inalam namin kung totoo ang lumabas na balitang he’s allowed four wives mula nang maging adopted son ng Province ng Sultan Kudarat at bigyan ng pangalang Sultan Aadil (Prince of Justice).

 “No” ang sagot nito pero may pahabol na “with the permission of my first wife (si Cong. Lani Mercado).”

Tiyak namang hindi lang si Lani ang hindi papayag na magkaroon ng second hanggang fourth wife si Sen. Bong, hindi rin papayag ang kanilang mga anak.

Heart na-boo sa premiere night

Sobrang focus siguro kami sa panonood ng Tem­ptation Island, kaya hindi namin napansing may grupo ng fans na nag-boo sa isa sa mga cast ng movie. Ang nadinig lang namin ay pito na ‘di rin namin alam kung sino ang may gawa.

Maganda ang ginawa ng Regal Films at GMA Films na paghiwalayin ang fans nina Heart Evangelista at Marian Rivera sa premiere night dahil naiwasan ang confrontation. Pero may feeling kami na ang nangyari sa premiere night ang rason sa sunud-sunod na tweets ni Heart.

Narinig naming nasa premiere night ang sister ni Heart at ilang relatives ng aktres at siguradong narinig ang pagkakagulo ng fans. Naalala tuloy namin ang pahayag ni Direk Chris Martinez na sana maayos ang conflict ng dalawa at ‘wag kalimutan ang magandang experience at samahan nila sa shooting.

Anyway, may VIP premiere night kagabi ang Temptation Island sa Newport Cinema, siguradong mag-i-enjoy din ang mga sosyalera sa pelikulang showing na simula bukas.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BATANGAS GOV

BONG REVILLA

CHRIS MARTINEZ

DINGDONG DANTES

DINNO ERECE

DIREK

HEART EVANGELISTA

JENNYLYN MERCADO

JOYCE BERNAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with