^

PSN Showbiz

Marie Digby takot lang kay Bimby

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

After Kris Aquino, mahihirapan na si James Yap na humanap ng babae.

Kahit hindi nag-work ang marriage nila, at kahit sabihin pang si Kris ang may kasalanan sa naging separation nila, James will always compare his ex to the women na makikita at makikilala niya.

Tapos, andiyan pa si Bimby o Baby James na kailangang may approval sa sinumang mali-link sa kanya in the future. Mag-iisip talaga ng mabuti  ang sinumang babae na makikipag-relasyon sa kanya at baka i-thumbs down siya ng anak ng basketbolista o magkulang ng malaki kapag ikinumpara siya kay Kris.

No wonder, hindi siya maamin ni Marie Digby at sinabing kikilalanin pa muna siya.

Vice Ganda, ayaw magpa-sex change

Sa dami ng pera niya, madali na para kay Vice Ganda ang maging isang tunay na babae. Pero wala sa plano nito ang magparetoke. Happy na siya sa kung anumang meron siya ngayon. Wala na siyang gustong ipabawas o ipadagdag sa anumang bahagi ng kanyang katawan. What he has, he treasures.

Pero sa kabila ng kanyang pagiging orihinal, isa si Vice Ganda na maitutu­ring na girl na girl. Sa kap­wa niya lalaki siya nagkakagusto at bagaman at mga unisex ang isinusuot niya, ang mga kulay naman nito ay nagbabadya ng kanyang preference for feminine colors, like shocking pink, lavender/lilac, at marami pang kulay na babae lamang ang nagsusuot.

Masaya na siya na nagiging kaibigan ‘yung mga lalaking minamahal niya. Okay na sa kanya ito. Pero sabi niya, hanggang sa paghanga lang siya, sa pagtingin sa malayo, sa tahimik na pagmamahal.

 Isa si Vice Ganda na masasabi kong mahusay na komedyante, dahil napapatawa niya ako at mabilis siyang gumawa ng  script, kahit sa isip lamang.

Congrats Vice, alam kong mapupuno mong muli ang Araneta sa July 1.

vuukle comment

AFTER KRIS AQUINO

ARANETA

BABY JAMES

CONGRATS VICE

JAMES YAP

MARIE DIGBY

NIYA

PERO

SIYA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with