^

PSN Showbiz

James kinikilala pa lang ni Marie Digby

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa pagkakaugnay kina James Yap at YouTube acoustic sensation na si Marie Digby. Ayon kasi sa mga naglabasang balita at mga espekulasyon ay nililigawan ng basketbolista ang singer at parehong nasa Cebu ang dalawa noong isang linggo.

 Una nang na-corner si James para hingan ng pahayag tungkol sa isyu pero naging mailap ito at tanging “Pasensiya na po, no comment” lang ang nasabi ni James.

Ngayon ay si Marie naman ang nagbigay ng kanyang panig sa pagkaka-link niya sa basketbolista. “James and I are friends on Facebook. We were introduced to each other by a mutual friend. We’re friends. I’m friends with so many people here in the Philippines. It’s easy to get confused with who I am friends with and who I am more than friends with some of them,” paglilinaw ni Marie.

“We communicate on Facebook and we’ve run into each other a few times since I’ve arrived in the Philippines, but we don’t like plan a date and go out. What I can tell you is that I have dated very, very few men in my life. I’m trying to keep my eyes open when I feel it’s time to entertain different possibilities and to figure out what it is I want,” dagdag pa ng singer.

May pag-asa kaya si James kung sakaling ligawan siya nito? “I don’t know yet, we are barely getting to know each other so I think it’s early to say,” pagtatapos ni Marie.

Vice nakakaramdam ng kakaiba kay Piolo

Sa July 1 ay muling magkakaroon ng concert sa Araneta Coliseum si Vice Ganda, ang Eto na! Vice Ganda Todong Sample sa Araneta.

Ngayon pa lamang ay todo na ang ginagawang paghahanda ni Vice para sa kanyang pangalawang major solo concert.

“Sobrang paghahanda, sobrang pagdarasal, sobrang pagpupuyat para makapagsulat ng mga bagong materyal. Ang laki ng pressure eh. Maraming pasabog, ibang-iba sa unang concert. Ang sinisi­gurado ko sa audience, uuwi sila nang tawang-tawa,” pangako ni Vice.

Labis din ang kaligayahang nararamdaman ng komedyante ngayon dahil sa tagumpay ng kanyang show na Gandang Gabi Vice, nag-trending pa ito sa Twitter noong Linggo. “Nakakatuwa kasi noong pilot, nag-trending siya pero sa Philippines lang, pero itong third episode, worldwide na. Nakakatuwa, ang dami-daming nag-abang, ang daming nag-usap-usap sa palabas ko. Ang daming interesado na pag-chikahan sa Twitter, maraming-maraming salamat sa inyo,” nakangiting pahayag ni Vice.

Inamin din niya na natupad na ang isa sa kanyang mga pangarap at iyon ay ang ma-interview si Piolo Pascual.

“Ngayon mas kinikilig ako kay Piolo kasi kay Piolo wala pa akong masyadong experience, ’di ko pa nakaka-tsika nang matagal. Si Piolo bagung-bago at iba ’yung nararamdaman ko nang nakita ko si Piolo at nakasama ko siya sa stage,” pagtatapat pa ng komedyante.— Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

FACEBOOK

GANDANG GABI VICE

JAMES AND I

JAMES YAP

MARIE DIGBY

NGAYON

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with