^

PSN Showbiz

Final title ng series nina Dennis, Alessandra at Bianca hindi pa rin original!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Sosyal si Yasmine Espiritu dahil hindi ito artista pero trending topic siya kahapon sa Yahoo.

Mataas din ang rating ng VTR interview ng Startalk kay Yasmine noong Sabado dahil curious ang mga tao na makita at makilala siya.

The who si Yasmine? Siya ang magandang misis ni Alfred Vargas. Sobrang mahiyain si Yasmine kaya pinilit pa siya na humarap sa TV camera at ikuwento ang love story nila ng love of her life.

* * *

Natanggap ko na ang imbitasyon para sa binyag ni Alexandra Milan, ang panganay nina Yasmine at Alfred.

Dahil girl ang kanilang anak, kulay pink ang imbitasyon na may picture ng bagets. Nakuha ni Alexandra ang singkit na mata ng kanyang ama pero namana niya ang shape ng mukha ni Yasmine.

Bibinyagan si Alexandra sa Christ the King Parish Baptistry sa Greenmea­dows, Quezon City at sa Crowne Plaza ang reception.

Mga ninong at ninang sina QC Mayor Herbert Bautista, QC Vice Mayor Joy Belmonte, Diana Zubiri, Marian Rivera, Iza Calzado, Paolo Contis, at mga executives ng GMA 7 at ABS-CBN.

Pagkatapos ng binyag, ang pagpapakasal nina Alfred at Yasmine sa simbahan sa susunod na taon ang kanilang aasikasuhin. By that time, dalawa na ang anak nila dahil isisilang ni Yasmine sa October ang second baby nila ni Alfred. 

Kung si Alfred ang tatanungin, ayaw niya na mag-artista ang kanyang anak pero wala siyang magagawa kung gusto ng bagets na pasukin ang showbiz.

Pero kailangan na magtapos muna si Alexandra ng pag-aaral dahil parehong graduate ang kanyang mga magulang.

Ateneo graduate si Alfred at nagtapos si Yasmine ng Fine Arts sa isang school sa Italy. Tinapos ni Yasmine ang kanyang course bago siya nagpakasal kay Alfred.

* * *

Sinner or Saint na ang title ng drama series nina Dennis Trillo, Bianca King, at Alessandra de Rossi.

Ito na ang final title ng soap opera na Sentensyada ang original title na naging Love & Lies.

Hindi original title ang Sinner or Saint dahil ito ang pamagat ng pelikula noon ng yumaong sexy star na si Claudia Zobel. 

Contract star ng Regal Films si Claudia at namatay siya dahil sa isang car accident sa EDSA noong 1984. Natatandaan ko na bonus attraction sa pelikula ni Claudia ang paglilibing sa kanya sa Mamba­ling, Cebu City. 

* * *

Pinilahan ng mga manonood ang show ng The Hotmen sa Zirkoh, Quezon City noong Sabado ng gabi. Hindi lang ang The Hotmen ang inabangan ng mga manonood dahil special guest sa kanilang u­nang concert si AiAi delas Alas.

Biglang naging front act sa The Hotmen concert si John Vincent Sepe, ang aspiring actor na ipinakilala ng aking friend na si Pinky Tobiano.

Marunong kumanta ang bagets kaya bigla siyang isinalang sa stage. Mahiyain pa si John Vincent dahil first time niya na mag-perform sa harap ng mara­ming tao pero nag-enjoy siya sa kanyang ginawa.

vuukle comment

ALEXANDRA

ALEXANDRA MILAN

ALFRED

ALFRED VARGAS

BIANCA KING

DAHIL

HOTMEN

QUEZON CITY

YASMINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with