^

PSN Showbiz

Krista Kleiner hindi na bulag

RATED A - Aster Amoyo -

Nasa 3rd grade pa lamang ang singer-beauty queen na si Krista Kleiner ay nagsusuot na siya ng eyeglasses hanggang sa kanyang ma-discover ang services ng Japan-based Shinagawa Lasik na narito na sa Pilipinas.

Sa tulong ng isang kaibigan, she was referred to Shinagawa clinic na mata­tagpuan sa Mezzanine, Tower 2 ng The Enterprise Center sa Ayala Avenue, Makati City kung saan siya sumailalim ng thorough eye screening. 

Dahil nakasuot ng contact lenses si Krista, kailangan niya itong ipahinga ng ilang araw bago siya sumailalim ng lasik screening na tumagal ng halos dalawang oras. Nang makapasa siya sa screening, sumailalim na siya ng lasik operation na tumagal lamang ng 20 minuto.

Nakaalalay naman kay Krista ang kanyang boyfriend na si Jay-R na sumubok naman ng Laser Ge­nesis at Titan XL, dalawa sa mga in demand na services ng Shinagawa aesthetics.

After the operation, tuwang-tuwa si Krista.

“Hindi na po ako bulag after wearing glasses everyday since I was in 3rd grade. It’s like a miracle,” bulalas ng 2010 Bb. Pilipinas-International.

Si Krista ang pangalawang celebrity na sumailalim ng lasik operation sa Shinagawa. 

Nauna na rito ang actress-TV host na si Janice de Belen.

Movie nina Aga at Angel mahigit isang taon bago natapos

Finally ay tapos na ang pelikulang unang pinagtatambalan nina Aga Muhlach at Angel Locsin, ang In The Name of Love na dinirek ng premyadong director na si Olive Lamasan under Star Cinema.

Kung hindi kami nagkakamali, inabot ng halos isang taon ang pelikula bago ito natapos dahil hindi umano magtagpo ang schedules nina Aga at Angel kaya natutuwa ang dalawa na natapos na rin finally ang pelikula na nakatakdang ipalabas ngayong May 11.Tumbok parang bold movie

Kung hindi pa natin alam na horror ang tema ng pelikulang Tumbok na pinagbibidahan ni Cristine Reyes na dinirek ni Topel Lee under Viva Films ay puwede itong mapagkamalang isang sexy movie dahil bukod sa sexy ang lead star na si Cristine, may pagka-double meaning ang titulo.

Kung tutuusin, hindi gaanong mabigat ang cast ng pelikula na tinatampukan din nina Carlo Aquino, Ryan Eigenmann, LJ Reyes, Jao Mapa, Wendy Valdez, Malou de Guzman, at Ana Capri pero ang istorya ng pelikula, husay ng mga actors at director ang magdadala nito para mag-hit sa takilya.

TV5 aarya na sa Amerika

Tiyak na matutuwa ang Anaheim-based concert producer na si Tito Al Chu kapag nalaman niya na malapit na ring mapanood ang mga programa ng TV5 sa ibang bansa dahil ito’y ibinalita sa amin ng President/CEO ng nasabing TV network na si Atty. Ray Espinosa at maging ng kaibigan naming si G. Ito Ramirez, Senior Vice-President (Consumer Affairs Group) ng PLDT.

Ayon kay Tito Al, napupuyat daw sila sa kapapanood ng Ang Babaeng Hampaslupa, ang kauna-unahang teleserye ng TV5 sa internet. Pero kapag open na ang subscription ng TV5 sa Amerika, si Tito Al siguro ang unang magsu-subscribe.

Kahit mahigit 30 years na si Tito Al sa Amerika, up to date siya sa mga happenings sa Pilipinas laluna sa showbiz dahil naka-subscribe siya sa TFC (ng ABS-CBN) at GMA Pinoy TV.

“Ang feeling ko, parang nariyan lang ako sa Pilipinas dahil nasusubaybayan ko ang mga programa diyan mula sa news, showbiz talk-shows, game shows and teleseryes,” pahayag ng ABC Entertainment producer.

Unkown to many, si Tito Al na tinaguriang Godfather ng mga taga-showbiz na dumarayo ng Los Angeles. Siya rin ang producer ng kauna-unahang sold-out concert ng pop princess na si Sarah Geronimo sa LA several years ago.

Pansamantala siyang huminto sa pagpu-produce para tutukan nang husto ang kanyang care home business sa Anaheim, California.

“Wala namang problema ang pagpu-produce ng concert, nakakapagod lang kaya pahinga muna ako for now,” aniya.

Marvin wala pa ring lovelife, inuunang magkapera

Tumigil man ngayon sa kanyang showbiz career ang actor-TV host turned successful businessman na si Marvin Agustin ay kayang-kaya na nitong mamuhay ng marangya dahil isa na siyang matagumpay na restaurateur and now bilang isang concert producer.

Pero wala pa sa bokabularyo ni Marvin ang pag­re-retiro sa showbiz kung saan siya nagsimula at unang nakilala at age 17.

Malayo na nga ang narating ng dating teenage waiter ng Tia Maria sa Alabang Town Center kung saan siya na-discover ng isang talent scout.

“I believe in destiny pero kailangan samahan mo ito ng dasal, sipag at tiyaga,” pahayag ng host ng Kitchen Superstar  GMA 7.

A single dad to a growing twins na sina Santiago at Sebastian (6), aminado si Marvin na marami pa siyang gustong gawin sa buhay.

“Ang sarap ng pakiramdam na makitang punum-puno ng tao ang venue at masayang-masaya ang mga tao,” pahayag ni Marvin tungkol sa unang sabak niya bilang producer ng concert ni Bruno Mars.

May balak kaya si Marvin na i-produce ng concert ang dati niyang love at ka-tandem na si Jolina Magdangal?

“Bakit naman hindi,” natatawa niyang tugon.

Kumusta ang lovelife ngayon ni Marvin?

“Wala akong lovelife. Ang lovelife ko ay ang mga anak ko at ang trabaho,” aniya.

AGA MUHLACH

AMERIKA

KRISTA

MARVIN

PILIPINAS

SHINAGAWA

SIYA

TITO AL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with