^

PSN Showbiz

Marami pang summer tips ihahatid ng L&S

-

MANILA, Philippines - Maraming papuring tinanggap mula sa manonood ang Life and Style with Gandang Ricky Reyes ng GMA News TV kaya ginanahan ang prodyuser nito na ScriptoVision na muling magbigay ng summer tips para sa mga kabataan.

Sa totoo lang, kapaki-pakinabang ang art workshop, acting workshop, cooking at dish garden making na ipinakita sa programa. “Maraming parents at guardians ang humiling na patuloy kaming magbigay ng payo sa mga bata para ang mga ito’y may mapagtuunan ng pansin habang wala pa silang pasok sa eskuwela. Ngayong Sabado’y magbibigay din kami ng mga healthy at madaling lutuing pagkain para sa mga bata para ‘di laging junk food ang gusto nilang kainin. Ang mga pagkaing ito’y maaari ring lutuin mismo ng mga bata,” sey ni Mader Ricky.

May ilang buwang ‘di napanood ang segment na Great Hair Day at ngayo’y muling ibinabalik ito dahil marami ang humiling kay Mader.

Ang suki pala ng GHD ay mga parloristang gustong matuto ng bagong sistema ng make up at hair style na idini-demonstrate ng beauty guru sa ere. “Malaki ang natitipid nila dahil ’di na nila kailangan pang muling pumasok sa eskwela para sa advance courses. Marami ring mga babaeng nago-office at mga estudyante ang tumututok dito dahil sa natututuhang pag-aayos at ‘di na nila kaila­ngang magpunta pa at gumastos sa parlor,” sabi pa ni RR.

Abangan ang mga susunod na pagtatanghal ng LSWGRR dahil mas maraming magagandang panoorin at makabuluhang payo para sa lahat ang itatampok dito.

vuukle comment

ABANGAN

GANDANG RICKY REYES

GREAT HAIR DAY

LIFE AND STYLE

MADER

MALAKI

MARAMI

MARAMING

NGAYONG SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with