^

PSN Showbiz

Kris isasabong kina Amy at Ali

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Sa launching ng kanyang My Heart’s Journey album from Universal Records, ibinalita ni Kris Aquino na tuloy na ang talk show nila ni Ted Failon sa May. In fact, the day after the presscon/launching, may meeting siya sa ABS-CBN para pag-usapan ang gagawing show nila ni Ted.

But apparently, nagkaroon ng pagbabago after her meeting dahil sa kanyang tweet, nagtatanong na siya kung ano ang gusto ng kanyang followers.

“Do you want me in a daily women oriented talk show or do you want the Ted and Kris 1x a week show to push thru…! Let me know ASAP so I can tell the bosess.”

Hindi pa namin nabibisita ang Twitter account ni Kris to know kung ano ang gusto ng fans niya para sa kanya. Ang binanggit kayang daily wo­men oriented talk show ang nababalitang mor­ning show na gagawin ng ABS-CBN bilang sagot sa Face to Face ng TV5 at Starbox ng GMA 7?

Manonood pala mamaya si Kris ng concert ni Bruno Mars na isa rin siya sa mga producer. Wala siyang date dahil pinaninindigan ang ‘never again’ mode - falling in love and marriage ngayon. Ang mga anak na sina Josh at Baby James lang ang kanyang kasama and earlier, dumalo siya nang bigyan ng Brent Pride Award si Baby James mula sa pinapasukan nitong school.

Ibang lahi pa ang nagbigay ng halaga, Jose Mari Chan binigyan ng tribute ng Manhattan Transfer

May rason naman pala kung bakit sa Starbucks ang album launching ni Jose Mari Chan. Si Jose Mari ang first Filipino singer na ibebenta ng Starbucks ang album, kaya tama lang na ‘dun ang launching.

Actually, hindi album ni Jose Mari ang Manhattan Connection, pero ang lahat ng songs sa album re-arranged by Manhattan Transfer. Kilala ng marami ang grupong ito ng magaga­ling na singer na nang marinig ang composition ni Jose Mari, sinulatan nila ito, hiningi lahat ng songs niya at nagpaalam kung puwedeng i-rearranged at ipakanta sa American singers.

Agad pumayag si Jose Mari dahil imagine, ang Manhattan Transfer pa ang nagbigay ng tribute sa kanya. Sabi raw ng Manhattan Transfer, hindi nila akalaing may magagandang songs composed ng Filipino at bilang pagpupugay, nilapatan nila ng bagong areglo, nire-record at ilu-launch na next week. Wala lang kaming list ng songs na kasama sa album na Manhattan Connection.

Gloria Romero dalawa agad ang programa sa Kapuso

Sina Cesar Montano at Iza Calzado lang ang narinig naming kasama sa Andres de Saya, ang sitcom ng GMA 7 na eere kundi last Saturday ng April ay sa first Saturday ng May.

Kasama rin pala rito sina Gloria Romero, Iwa Moto, Elmo Magalona, Julie Ann San Jose, Chariz Solomon, Pekto, Fabio Ide, at Caridad Sanchez.

Second show kung ganun ni Gloria ang Andres de Saya dahil nasa cast din siya ng soap na Mun­ting Heredera na April 16 daw ang first taping day.

temptation tambak ang pictorial

Nag-pictorial kahapon sa Studio 1 ng GMA Network ang cast ng Temptation Island.

Kailangan daw sa studio para sa camera test. Pero first lang ito sa maraming pictorial na gagawin ng cast at gaya nang inaasahan, masaya sa pictorial.

vuukle comment

ANDRES

BABY JAMES

BRENT PRIDE AWARD

BRUNO MARS

GLORIA ROMERO

JOSE MARI

JOSE MARI CHAN

MANHATTAN CONNECTION

MANHATTAN TRANSFER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with