^

PSN Showbiz

Heart decided nang maging Mrs. Matsunaga

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Na-imagine na naming nagsisigaw si Heart Evangelista nang i-post sa Twitter ang “I’m going to Brazil, thank you @dmatsunaga for my gift. I love you too! ”

Ang ticket for Brazil ang isa sa mga regalo ng boyfriend ng aktres sa nakaraan niyang birthday. Ang isa pang regalo ni Daniel Matsunaga ay ang asong si Max na mahal na mahal na ng aktres.

Open for any date na gustuhin ni Heart ang tiket at sisiguraduhin niyang wala siyang trabaho ’pag aalis sila ni Daniel para hindi magmadaling bumalik ng ’Pinas. Natawa kami sa agad-agad na “oo” na sagot ng dalaga sa tanong kung gusto niyang maging Mrs. Daniel Matsunaga.

“Nakapag-desisyon na ako na siya na, but if you have to be practical and realistic, it can wait. Ayaw ko ring umasa sa dad ko at ayaw ko siyang bigyan ng problema. Getting married is lifetime and money can go, kailangan ko ng sariling business,” sabi ni Heart.

Samantala, natutuwa si Heart dahil kahit alam ng buong bansa na BF na niya si Daniel, tanggap pa rin ang tambalan nila ni Dennis Trillo sa Dwarfina.

Nakakapag-usap na sila at hindi na nahihiya sa kanya ang aktor. Enjoy na sila sa taping at ayaw nang pataranta sa ratings.

Nabalitang kasama si Heart sa cast ng remake ng Temptation Island, pero hindi siya matutuloy for a very valid reason.  

“I really wanted to do it dahil gusto ko ang movie, pinanood pa namin ng gay friends ko at alam ko ang dialogue. Gusto ko rin ang role ng beauty queen na ibibigay sana sa akin, pero may scene na naliligo ako at haharap na kamay ko lang ang nakatakip sa chest ko. Cute sana, kaya lang may scene na topless ako. Sabi ng dad ko, kung naka-two piece ako okay lang.”

Dagdag pa ni Heart, ayaw niyang i-stress ang Regal Entertainment, Inc. na kung kailan nagsu-shooting na ay saka siya aayaw. Sa ngayon, ayos na sa kanya ang Dwarfina.

* * *

Dahil madadagdagan ang makakapareha ng aktor sa isang serye, mababawasan ang exposure ng isa sa dalawang kapareha ng aktor, pero hindi namin sasabihin kung sino sa dalawa para hindi sila ma-frustrate at ’di tamaring mag-taping.

Hindi nag-click ang tambalan ng aktor sa dalawa niyang kapareha at sa ayaw at gusto ng dalawa, magiging tatlo na silang mag-aagawan sa puso ng aktor sa serye.

ASAP daw ang pasok ng dagdag na kapareha ng actor at ’di kami magugulat kung next week ay magti-taping na siya. Type pa naman ang aktor ng isa sa dalawa niyang leading ladies, kung iiksian ang partisipasyon nito sa soap, hindi na niya masa-sight ng madalas ang aktor.

* * *

 Ngayong araw ang first taping day ni Direk Jay Altarejos ng afternoon drama na My Mistress, My Wife na dating Moral ang title. Bida rito sina Nadine Samonte at Maxene Magalona na magpapagalingan sa pag-arte. Kasama rin sina Carmi Martin, Luis Alandy, Marco Alcaraz, Princess Snell, Jace Flores, Ernie Garcia, at iba pa.

* * *

TV5 dahil sabay na ilu-launch ang kasama niya sa Royale Artists Management na si Carla Humphries. Silang dalawa na ang bida sa soap na Halimuyak.

Si Richard Gomez ang kinuha ng TV5 na pag-aagawan nina Arci at Carla at excited na ang aktor dahil balik-drama siya sa seryeng ito. Ikatutuwa pa nina Arci at Carla ang desisyon ng TV5 na sa halip na sa afternoon slot, sa primetime na ilalagay ang Halimuyak at makaka-back-to-back ng Babaeng Hampaslupa.

Ibig bang sabihin nito, babawasan uli ang oras ng Willing Willie para ma-accommodate ang dalawang soaps ng istasyon.

vuukle comment

AKTOR

ARCI

BABAENG HAMPASLUPA

CARLA

CARLA HUMPHRIES

CARMI MARTIN

DANIEL MATSUNAGA

DENNIS TRILLO

DWARFINA

ERNIE GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with