^

PSN Showbiz

Jennica nilapa ng aso ni Direk Don

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Excited si Gladys Reyes at napabilang siya sa 29 board member ng MTRCB na pinasumpa kamakalawa ng umaga.

Ilan sa mga taga-showbiz na napasali sa board ay sina Leah Navarro, Liezl Martinez, at Tess Villarama.

Nangako naman si Gladys na gagampanan niya ang bagong res­ponsibilidad na ibinigay sa kanya at proud ito na siya ang pinakabatang board member ng MTRCB.

TANONG : Bakit marami pa rin ang nagsasabing talagang kasal na sina Iwa Moto at ang non-showbiz boyfriend niyang si Mickey Ablan?

May nakausap kami kahapon na sumusumpang kasal na talaga ang dalawa kaya malaki raw ang posibilidad na magkaayos din sila pagkatapos magsalita ng seksing aktres na nakipag-break na siya.

Isa sa mga araw na ito ay merong maglalabas ng patunay na matagal na silang kasal.

Samantala, hanggang ngayon ay naghuhulaan pa rin kung sino ang Kapamilya talent na tinutukoy ni Iwa na nanggugulo sa relasyon nila ni Mickey.

Sa aming pagkalkal, dalawang aktres ang pinagdudahan - isang magaling na aktres na napabalitang hiwalay na rin sa asawa (si Jodi Sta. Maria) at ang isa naman ay sexy actress na kasaba­yan din dati ni Iwa sa FHM.

TOTOO KAYANG galit na galit daw si Jean Garcia sa pagkakagat ng aso ni direk Don Michael Perez kay Jennica Garcia?

Ayaw na lang daw magsalita ng aktres pero nagalit daw ito nang husto dahil bakit pinapakawalan pa rin daw ang asong ito sa taping gayung may nangyari na palang insidente noon dahil hinabol din ng asong ito si Camille Prats.

Malalim ang kagat ng aso kay Jennica pero mabuti na lang at natanggal din bago bumaon nang husto ang matalim na mga ngipin ng aso.

Patuloy daw ang injection kay Jennica para mapabilis ang paggaling nito at matiyak na ligtas ito sa rabies. Si direk Don naman daw ang sumagot ng lahat ng gastos sa pagpapagamot sa young actress.

TSIKA LANG : Magiging bahagi na si Tim Yap sa mga promo at events ng GMA 7 lalo na sa mga events ng GMA Artists Center at GMA FIlms.

Kapipirma lamang nito dala ang kanyang Team Yap Productions kasama sina Atty. Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films, at ng mga GMA Artists Center na sina Ms. Ida Henares at Arsi Baltazar.

Isa sa sinimulan ng Team Yap Productions ay ang VIP celebrity premiere ng pelikulang My Valentine Girls na gaganapin sa Newport cinemas sa Resorts World mamayang gabi.

vuukle comment

ANNETTE GOZON-ABROGAR

ARSI BALTAZAR

ARTISTS CENTER

CAMILLE PRATS

DON MICHAEL PEREZ

GLADYS REYES

IDA HENARES

ISA

TEAM YAP PRODUCTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with