Wendell, hindi na bumitiw sa pagiging bumbero!

Noong kasagsagan ng pandemya sa bansa ay naranasan ni Wendell Ramos na maging isang bombero. Nais lamang daw makatulong ng aktor noon sa mga kababayang nangangailangan ng kanyang serbisyo.
“Ano ba ang pwede kong mabigay? I have a lot of friends from volunteer fire fighters. Sabi, ‘Bro, gusto mong mag-training?’ Sabi ko, ‘Sige, gusto ko ‘yan eh.’ Kasi gusto kong makapagbigay (ng tulong) no’ng mga panahon na ‘yon. Kasi that time lahat tayo lost.
“Kung babalikan natin, lahat ng tao hindi alam hanggang kailan ‘yon. Sabi ko, ‘Ano ba ang pwede kong ibigay?’ Tapos na ako sa pagiging artista eh. Hindi rin ako makapagbigay sa bubunutin ko sa sarili ko kasi hindi enough. I also have to protect my family.
“Ang daming mga tao no’n lumalapit sa iyo. Hindi mo alam kung paano ka magbibigay. Paano kung ikaw naman ang mawalan? Something like that, ano ba ang pwede kong maibigay to inspire them.
“Nag-training ako, at least ‘yung mga tambay, ‘yung nawawalan ng pag-asa, nailipat (ang atensyon). Hindi ko ine-expect na maa-appreciate siya ng mga tao,” mahabang nakangiting kwento sa amin ni Wendell sa Fast Talk with Boy Abunda.
Makabuluhan para sa aktor ang kanyang naranasan noon bilang isang bombero. “Noong unang beses kaming dumating sa Valenzuela may sunog, namatay na (ang apoy). Sabi ng friend ko, ‘Bro, wala na.’ Sabi ko, ‘Okay lang, hindi ko namang kailangang mag-showtime dito eh. Hindi ko kailangan ng sunog, ang importante mawala. Wala namang nasaktan, wala namang casualties.
“But the thing is na-experience ko talagang umakyat ng bubong. Mapasalamatan ako ng mga tao, hindi naman nila ako kilala dahil naka-facemask. Then after no’n bumababa na kami ng bubong matataas. Parang haligi na lang ng bubong ang dinadaanan namin, nagpapasalamat ‘yung tao. Sabi ko, ‘Wow! What a great a feeling. What a blessing for me.’ Kasi nakapagbigay ako, lalo na no’ng nakita ng mga kapwa ko boluntaryo. Sabi ko nga, ‘yon pala ‘yung naging part ko. Kasi ang boluntaryo, hindi rin sila sinusuwelduhan talaga,” pagbabalik-tanak ng Kapuso actor.
Hanggang ngayon ay nagboboluntaryo pa rin si Wendell kapag walang trabaho bilang isang aktor. “I’m still active kapag walang work. Meron pa rin kaming group. Malaki ang samahan ng mga bombero and of course respeto rin sa BFP (Bureau of Fire Protection) natin,” dagdag pa niya.
Mayroong mga espekulasyon na posibleng sumabak si Wendell sa politika dahil sa ginagawang pagtulong sa mga kababayan. “Now, I’m good with my life right now. I respect the politicians but so far, I’m good with you guys and with my network. and sa lahat ng mga followers,” giit ng aktor.
Samantala, huling dalawang linggo na ng Kamao na pinagbibidahan ni Anton Vinzon. Kabilang si Wendell sa magwawakas na GMA Afternoon Prime series na gumaganap naman bilang si Caloy Olivarez. “May aabangan kayo rito, dudurugin ko pa rin si Nonoy. I wanna thank you all. Maraming salamat sa pagtutok n’yo. Alam n’yo naman ang success ng isa, success naming lahat sa show. At sa lahat ng fans na apektado, nagagalit pa sila sa character ko eh. Karamihan lang pagkakita sa akin, ‘Ah mabait pala si Caloy!’” pagtatapos ni Wendel. (Reports from JCC)
- Latest
























