^

PSN Showbiz

Bianca ginawang kontrabida sa buhay ni Venus

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Talaga namang ang mga fans hinding hindi papayag na ipatalo ang mga idolo nila sa anumang laban na kasangkutan nila.

Nang sabihin ni Sen. Miriam Santiago na pinakaguwapong mambabatas si Sen. Antonio Trillanes, hindi siya nagtatanong.

Nagsasabi siya ng isang katotohanan para sa kanya. Siyempre, hindi ito kailangang pagtalunan o pagdebatehan, hari siya ng kanyang sarili.

Pero ang mga fans ni Sen. Bong Revilla, Jr. puwedeng tumutol pero hindi ibig sabihin ay mali ang sinabi ni Sen. Miriam, dahil tama silang pareho. Guwapo ang dalawa, depende sa kung sino ang nagsasalita. Pero sana huwag na nila itong pagtalunan. Hilingin na lamang sana nila na parehong maging masipag sa kanilang trabaho ang dalawa para naman may maasahang maganda ang mga Pilipino sa kanilang piniling senador.

Let’s hope na ang papogian ng dalawa will depend on how much work they put into their time, hindi lamang sa ganda ng panlabas na anyo, tulad ng mukha.

* * *

Puspusan pala ang preparasyon na ginagawa para sa pagdiriwang ng 25th People Power Revolution. Ito ang trabaho ng komisyon na kinabibilangan ni Ogie Alcasid. Nag-oath-taking ceremony na ang grupo niya kamakailan. Kaya siya nawala agad sa isang event ng OPM o Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit.

Ito pala ’yung sinasabi na kailangan pang magpadala ng larawan ang mga gustong sumali sa pagdiriwang bilang patunay ng kanilang partisipasyon sa EDSA 1? Paano kung wala silang larawan na maipapakita, ibig sabihin ba ay hindi sila welcome? Sa libong nag-participate sa EDSA l sino ba ang may larawan, ang nagkaroon pa ng panahon na makapagpakuha pa ng litrato?

Anyways, kasama man sila sa selebrasyon o hindi, masaya na sila na kahit sa ma­liit nilang kakayahan, nakatulong na sila sa pagbabalik ng demokrasya sa bansa.

Mabuhay kayong lahat!

* * *

Kasabay ng lungkot na nadarama ni Bianca Manalo sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang seryeng Juanita Banana ay ang disappointment niya sa sinisimulang pang-iintriga sa kanila ni Venus Raj na isa na ring Kapamilya ngayon.

Smooth ang dating takbo ng kanyang career pero ngayo’y nabigyan na ito ng kulay at ang ipinagdaramdam niya ay ang sinasabing insecure siya sa pagpasok ni Venus sa ABS-CBN. Ang masakit, siya pa ang pinalalabas na kontrabida sa pagdating nito. Eh sa totoo lamang, masaya siya sa pagdating nito dahil pareho naman silang Bb. Pilipinas winners. Nasa isip nga niya na magkakatulungan pa sila. Pero pinalalabas na hindi siya 100% okay sa pagpasok nito sa network. Ito ang nagpalungkot sa kanya.

* * *

Malaking push para kay Sam Concepcion ang gagawin niyang pag-front act kay Taylor Swift sa gagawin nitong concert dito sa Feb. 19.

Siguradong marami ang mga manonood ng concert kaya daig pa ni Sam ang ipinag-presscon ng ABS-CBN sa rami ng magiging proud sa kanya sa pagkakapili sa kanya mismo ng international singer para maging front act.

Mas masaya ang pangyayaring hindi lamang dito kundi sa buong Asian tour ni Taylor ay makakasama ang Pinoy young singer.

Congratulations Sam!

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

BIANCA MANALO

BONG REVILLA

CONGRATULATIONS SAM

JUANITA BANANA

MIRIAM SANTIAGO

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with