^

PSN Showbiz

KC namula kay Rap

- Ni SVA -

MANILA, Philippines -  Lahat na lang ng artista ngayon, ang dialogue sa kanilang mga kinabibilangang network, lilipat sila ng channel.

As in bawat kilos nila, iniisip nilang puwede silang lumipat. Ang lakas ng loob nilang magsalita na parang ang iba naman ay nagpapataas lang ng talent fee at nagpapapansin lang naman kung tutuusin sa kanilang mga home network.

Malakas kasi ang loob ng maraming artista ngayon dahil may TV5. Bukas na bukas ang pinto at bintana ng TV5 para sa mga artistang gustong ‘maiba’ ang career. Kaya ang ending, maraming artista ngayon ang malalakas ang loob, gusto or puwede naman silang lumipat ng channel kahit minsan ay hindi naman totoo.

Although yung iba namang lumipat, wala na silang ginagawa sa Kapamilya bago lumipat at maganda naman ang offer – like si Mang Dolphy, Maricel Soriano and now Aga Muhlach

Dahil sa latest trend ngayon sa entertainment scene, asahan pa natin na mas maraming lipatan na mangyayari ngayong taon sa tatlong network.

o0o

Nakakaaliw ang interview ni KC Concepcion kay Rap Fernandez kahapon sa The Buzz.

Parang may kakaibang misteryo ang buhay ni Rap na sasabak na rin sa aktingan via Buhawi Jack kung saan bida si Gerald Anderson. Part lang pala ito ng Wansapanataym at ilang linggo lang tatakbo pero parang nakaka-excite panoorin dahil malalaman natin kung nagmana sa namayapa niyang tatay na si Rudy Fernandez si Rap.

Hindi pa showbiz ang interbyuhan portion nila ni KC na sinabing crush niya ang anak ni Megastar Sharon Cuneta. Ang ending tuloy, kahit nanonood lang kami sa TV parang namumula ang hitsura ng mukha ni KC.

Kaaliw din na sinabi ni Rap na jacket ng tatay niyang si Daboy ang suot niya kahapon.

Sana nga ay magtuluy-tuloy si Rap sa pag-aartista para may iba naman.

vuukle comment

AGA MUHLACH

BUHAWI JACK

BUKAS

CONCEPCION

DABOY

GERALD ANDERSON

MARICEL SORIANO

RAP FERNANDEZ

RUDY FERNANDEZ

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with