^

PSN Showbiz

Mas makabuluhan at malamang Life and Style sa 2011

-

MANILA, Philippines –  Pinatunayan ni Mother Ricky Reyes na sa pamamagitan ng kanyang prog­ramang Life and Style with Gandang Ricky Reyes tuwing Linggo alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga sa QTV-11 ay makatutulong siya sa mga Pinoy na manonood di lang ‘dito sa bansa kundi maging sa ibang lugar ng mundo.

Tuwing Linggo’y naghahatid ang programa ng mga panooring para sa lahat - matanda’t bata at lalake’t babae. Lagi rin itong hitik sa mga paksang tumatalakay ’di lang sa kagandahang panlabas kundi sa buhay-buhay ng mga Pinoy.

”Para sa Taong 2011 ay marami na kaming nakonseptong makabuluhan at malamang episode. Nais naming tulungan ang mga tao na umunlad ang kata­yuan at kabuhayan. Sabi nga, we must live life to the fullest. Na huwag magmukmok lang sa isang sulok kapag nabibigo o may problema. Totoo na nasa tao ang gawa at nasa Diyos ang awa. Lalong totoo na pagkatapos ng bagyo’y sisikat din ang araw. Ito ang mga pangaral namin sa publikong manonood,” sabi ni Mader Ricky.

Laging tumutok sa LSWGRR na prodyus ng ScriptoVision dahil hindi ito magsasawang maghatid ng makabuluhan at malamang panoorin na punumpuno rin ng inspirasyon. 

Abangan din ang mga bagong segment sa show. Kung naging adik kayo sa Great Hair Day at Gandang Body ay tiyak na maaaliw din kayo sa mga bagong ipakikilala nila.

vuukle comment

GANDANG BODY

GANDANG RICKY REYES

GREAT HAIR DAY

LIFE AND STYLE

MADER RICKY

MOTHER RICKY REYES

PINOY

TUWING LINGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with