^

PSN Showbiz

Star Powers may sorpresa

-

MANILA, Philippines –  Puspusan na ang paghahanda ng buong puwersa ng Star Power para sa isang sorpresang handog sa mentor ng mga girls, si Megastar Sharon Cuneta.

“Wish ko para sa aming nag-iisang mentor, siyempre, ay more success at happiness. Nasa kanya na po halos ang lahat. Siguro po ang mahihiling ko na lang talaga ay ‘yung magpatuloy ang masaya at peaceful niyang buhay,” ani Angeline.

Ang pagiging handa ng Star Power girls sa pagpasok sa glamorosong mundo ng showbiz ay isa pang regalo na tiyak na magpapasaya kay Mega. Upang tuparin ito, kailangan ng contenders ng kanilang sariling style. Sa tulong ng acclaimed stylist na si Bang Pineda, matututunan ang mga girls na magkaroon ng sarili nilang trademark look.

Matapos ang dibdibang sessions kay Pineda, napagtanto na ng Star Power 6 ang sariling sense of style na nais nilang i-portray.

Kilalanin ang mga girls sa pamamagitan ng kanilang trademark titles— Ninay, ang Redhead Pop Punkstar; Akiko, ang Sweet and Sexy Siren; K-la, ang R&B Sweetheart; Monica, ang Charming Biritera; Angeline, ang Pop Belter; at Krissel ang Soulful Diva.

Ngayong Linggo rin, muling haha­rapin ng Star Power contenders si UP Professor Kitchie Molina para sa isa na namang intense vocal training. Plus, nagbabalik ang bukod-tanging Di­vine Diva ZsaZsa Padilla bilang guest judge ng lalo pang umiinit na kumpetisyon.

Sino sa mga Star Power contenders ang mamahalin ng husto? Para iboto ang iyong paboritong contestant, i-text lang ang SPOWER <space> <name of contestant> at i-send to 2331 para sa Globe, TM, and Sun Cellular subscribers at 231 para naman sa Smart and Talk ‘N Text subscribers. 

Para sa bulk voting, i text ang SPOWER BULK —Globe, Touch Mobile, Smart and Talk and Text and  Sun Cellular—sa 2366.

B SWEETHEART

BANG PINEDA

CHARMING BIRITERA

MEGASTAR SHARON CUNETA

N TEXT

NGAYONG LINGGO

PARA

STAR POWER

SUN CELLULAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with