^

PSN Showbiz

Kunyari lang na gustong lumipat sa GMA 7, Zanjoe nagpapataas ng TF sa Dos

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Isang top executive ng GMA 7 ang nagkumpirma sa amin na nagbigay ng feelers ang kampo ni Zanjoe Marudo na gusto nitong lumipat ng Kapuso network.

Hindi pa lang tiyak kung natuloy ang meeting, pero totoong nagpasabi raw ang aktor na pinag-iisipan nitong lumipat ng GMA 7. Kaya kinu-consider siya noon sa mga pinagpiliang makapareha ni Marian Rivera sa malaking proyekto ng Siyete na Amaya.

Tinanong namin ang manager ni Zanjoe na si Keren Pascual, kaagad niya itong itinatanggi. Wala raw ganung balak.

Sey naman ng isang top executive ng GMA 7 na napagtanungan namin, “hindi kaya style lang nila iyan para pigilan sila ng Dos at taasan ang talent fee nila?”

Posible!

TANONG : Sobrang nadismaya raw itong si TV host/comedian nang hindi man lang napasali sa mga nominado sa nakaraaang Gabi ng Parangal ng MMFF?

Kasi naman, ipinagkalat daw nito sa mga kasamahan niya sa trabaho na kailangan niyang maagang umalis dahil isa raw siya sa mga nominado sa isang category na pinaglalaban nila ng ilan pang magagaling na aktor.

Pagdating ng awarding, doon nalamang top three nominees lang ang binanggit at wala siya roon.

Actually, sa kategorya nila apat ang nabanggit na pangalan pero wala pa rin si TV host/comedian. Kaya umuwi raw itong iritang-irita!

TOTOO KAYANG kinausap din ang isang kilalang aktres ng isa sa mga hurado ng MMFF at sinabihan daw itong ang mahigpit niyang kalaban sa Best Actress category ay isa ring aktres na bida sa isang malaking pelikulang kalahok sa naturang filmfest?

Kaya umasa raw si aktres na posible siyang magwagi nung gabing iyun. Pero ikinaloka raw nito, hindi man lang siya napasali sa mga nominado pati ang aktres na mahigpit daw nitong makalaban.

Pero pagkatapos ng awarding ay parang wala lang naman kay aktres dahil hindi naman daw talaga mahalaga sa kanya ang award. Mas type daw niyang mapasali sa mga top grosser ang kanyang pelikula, na natupad naman dahil wagi naman ito sa box-office.

TSIKA LANG : Daring na naman ang role na gagampanan ni Ryza Cenon sa bagong telefantasya ng GMA 7 na Machete.

Sinabi naman ng young actress na okay lang sa kanya ang mga ganung role gaya nang ginampanan niya sa Langit sa Piling Mo pero hindi pa raw siya handang tumodo sa pagpapa-sexy.

Ilang beses na raw siyang inalok na mag-pose sa isang sexy pictorial ng FHM, pero hindi pa raw niya ito tinanggap dahil pinag-iisipan pa rin daw niya kaya.

Kaya raw niya tinanggap ang role sa Machete ay dahil challenging at dito niya mapatunayan ang galing niya sa pag-arte.

vuukle comment

BEST ACTRESS

KAYA

KEREN PASCUAL

LANG

MARIAN RIVERA

NAMAN

NIYA

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with