Competitor na ako ng mga manghuhula
Competitor na ako ng mga manghuhula dahil tama ang aking prediction na mananalo sina AiAi delas Alas at Mang Dolphy ng mga acting awards sa Gabi ng Parangal ng 36th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Win si AiAi para sa Ang Tanging Ina Mo Rin Last Na ’To at double victory si Mang Dolphy dahil siya ang nanalo ng best actor at best supporting actor awards.
Sayang lang dahil hindi nakadalo ang Comedy King sa awards night. Kung umapir siya, sure ako na standing ovation ang ibibigay sa kanya ng mga tao sa Meralco Theater.
Walang award na natanggap si Sen. Bong Revilla, Jr. pero okay lang dahil ang pelikula nila ni Vic Sotto ang number one sa takilya. Milya-milya ang layo ng Si Agimat at si Enteng Kabisote sa ibang mga pelikula na kasali sa MMFF.
Marian matinding nakalaban ni Aiai
Natuwa ako nang malaman ko na nominated si Marian Rivera sa best actress category ng MMFF Awards Night.
Hindi lamang tatlong tao ang nagsabi sa akin na mahusay si Marian sa Super Inday and the Golden Bibe. Kung walang filmfest entry si AiAi, say nila malamang na si Marian ang nag-take home ng best actress trophy.
Aiai ipinagdasal sa simbang gabi ang best actress award
Si AiAi ang happiest woman on earth noong Linggo dahil sa kanyang best actress award.
Masaya ang New Year ng komedyante dahil bawing-bawi ang stress na na-feel niya.
Nabuo ni AiAi at ng kanyang anak na si Sancho ang Simbang Gabi at isa lang ang ipinagdasal nila, ang mapanalunan ang MMFF best actress trophy.
Ang magsimba para magpasalamat kay Lord ang unang plano kahapon ni AiAi sa best actress award at kumita ang kanyang pelikula ang ipinagdasal pero sobra-sobra ang natanggap dahil win ng best picture ang 3rd Tanging Ina.
Black gown ni Kris kahawig ng wedding dress ni Regine
Luz Valdez (talo) si Kris Aquino dahil hindi siya nominated sa best actress category at hindi rin nag-win ng major awards ang kanyang pelikula.
Hindi naman umasa si Kris na mananalo dahil sinabi niya noon sa presscon ng Dalaw na babatikusin lamang ang kanyang pamilya kapag nag-win siya.
May mga nakapansin na hawig ang black gown ni Kris sa red wedding gown ni Regine Velasquez pero magkaiba ang kanilang designer. Si Monique Lhuillier ang gumawa ng wedding gown ni Regine at si Randy Ortiz ang designer ng black gown ni Kris.
MMFF Awards Night hindi dinayo ng fans
Hindi dinayo ng mga fans ang Gabi ng Parangal sa Meralco Theater dahil may Christmas hangover pa ang karamihan sa kanila at hindi madaling puntahan ang venue.
’Yung iba naman eh pinili ang manood ng sine at rumampa sa mall dahil tinamad sila na magbihis.
May bahid ng intriga
Hindi ko na hinintay ang telecast ng Awards Night dahil napuyat na ako sa panonood ng wedding special nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.
Nagandahan ako sa kasal ng dalawa pero may bahid ng intriga ang mga camera shots dahil nang dumating sina Drs. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. ay biglang itinutok ang camera kay Sen. Bong.
- Latest




















