^

PSN Showbiz

Jake interesadong gumanap na Hubert

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Naging maingay sa buong bansa ang naging paglaya ni Hubert Webb at ang lima pa nitong kasamahan. Sila ang itinurong mga suspek sa kontrobersiyal na Vizconde Massacre na nangyari noong 1991. Labinlimang taon ding nakulong ang grupo at ngayong nakalaya na sila ay may mga espekulasyon na isasa-pelikula na ang mga buhay nila.

Ngayon ay interesado nang gampanan ng aktor na si Jake Cuenca ang life story ni Hubert.

“Of course ako, I’d like to do it kasi it’s an interesting role. Siyempre ’yung Vizconde Massacre masarap gawan ng buhay, ’yan kasi ay may awareness din when it comes to movies. Gustung-gusto ko ’yan, to portray Hubert Webb, I’d be interested to do it,” maikling pahayag ni Jake.

Dolphy nakiusap na huwag boykotin

Kontrobersiyal ngayon ang pelikulang Father Jejemon ng RVQ Films. Isa ito sa mga kalahok sa gaganaping Metro Manila Film Festival. Mayroon kasi itong ilang maseselang eksena, gaya na lamang ng pag-spoof sa banal na hostia o ostiya. Minarapat naman ng RVQ Films na tanggalin na lamang ang mga nasabing eksena.

“Hindi ko kinakalaban ang simbahan. Sagrado akong Katoliko, kung kinu-kuwestiyon ay pinapatanggal ko na. Ako ang dapat humingi ng sorry sa nag-akalang mali ako,” seryosong pahayag ni Dolphy.

Iginiit din ng Hari ng Komedya na mayroon silang spiritual adviser para sa nasabing pelikula. Mayroon pang kumakalat na text messages na nagsasabing dapat boykotin ang Father Jejemon, kaya mayroong pakiusap si Mang Dolphy.

“Huwag naman ’yang boycott. Gumastos naman kami ng malaki dito, at pinaghirapan ko rin, namin. I meant good lahat ng nasa pelikula tungkol sa kabutihan ng simbahan, ng tao, ng Diyos. Huling pelikula ko na ito so kung ano ang dapat alisin, alisin na para malinis na ang pelikula,” emosyonal pang paliwanag ng Comedy King.

KUH PAYAG SA KONTING KABERDEHAN NI RICO J.

Magkakaroon ng Valentine show ang Hitmakers kasama ang diva na si Kuh Ledesma. Handa na kaya si Kuh sa mga green jokes ni Rico J. Puno? “Sabi ko nga lahat naman ay napakikiusapan kaya nakikiusap ako kay Rico na magbakasyon muna sa pagka-berde niya dahil sa akin ay hindi puwede.

“Actually puwede kung hindi berde, hindi ma­s­yado, light green lang,” natatawang pahayag ni Kuh. — Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

COMEDY KING

DOLPHY

FATHER JEJEMON

HUBERT WEBB

JAKE CUENCA

KUH

KUH LEDESMA

MANG DOLPHY

MAYROON

VIZCONDE MASSACRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with